DREAM DUET WITH REGINE. Isang pangarap na naman ni Angeline ang natupad sa kanyang second album. Ito ay ang maka-duet ang kanyang idolo na si Regine Velasquez.
Lalo pa daw itong naging makabuluhan dahil espesyal sa kanya ang kanilang inawit.
“Alam niyo po kasi, itong ‘Lipad ng Pangarap,’ dati po, nung nakatira pa po ako sa Sampaloc, lagi ko pong kinakanta sa nanay ko kasi meron po kaming maliit na sari-sari store.
“Kaya, tuwing naririnig ko ‘tong kantang ‘to, lagi po akong naiiyak.”
“Kaya, nung nabigyan po kami ng chance ni Ms. Regine, at lalo ako, na makaduet si Regine Velasquez talagang sobra po akong naiyak,” pagtatapat nito.
“Nung nirerecord ko ‘to, sobrang pagod na pagod na ko kasi ang dami ko pong ginawa nun, parang nag-ASAP ako, nag-mall show ako, nag-Sarah G Live ako…”
“Parang sunud-sunod po. Tapos madaling-araw po…Kasi yun na lang po yung oras na meron ako kasi parang ilang araw…pumunta na naman po ako ng ibang bansa.”
Nagpunta si Angeline sa Estados Unidos upang magbakasyon.
“Kaya habang nirerecord ko ‘tong 'Lipad ng Pangarap,' sabi ko, sana magawa ko ‘to ng maayos.”
“Kaya yun. Si Ms. Regine naman po kasi…sa bahay niya po siya nag-record.”
“Bale ako yung nauna, tapos si Ms. Regine sa kanila,” wika pa nito.
“Tapos nung malapit na po talaga kong umalis, kinukulit ko po si Sir Jonathan kasi gusto ko po sana bago ako umalis, marinig ko. Ayun, eh narinig ko po siya sa cellphone lang.”
Masayang-masaya naman si Angeline sa naging resulta nito at agad siyang nagpasalamat kay Mrs. A.
“Kaya sabi ko nga, maraming-maraming salamat kasi binigyan niya din po ako ng…kumbaga, isang pangarap sa akin yun na tinupad ni Ms. Regine.”
“Kasi talagang alam niya namang idol ko siya.”
“Tapos, ayun, ang reply niya po sa akin, talagang masaya din po siya para sa akin at sure na sure daw po siya na magiging click yun at talagang…kasi ang ganda rin po nung kanta.”
Bukod kay Regine ay may collaboration din si Angeline kasama si Erik Santos sa album na ito.
(CLICK HERE to watch fan made video of "Lipad ng Pangarap")
Source! PEP
No comments:
Post a Comment