Songbird Bulletin!

Songbird Source! on FACEBOOK! Click ME to like!

Saturdays 10:40am after Maynila on GMA7

Concert:
PLDT Regine Series Nationwide Tour
facebook.com/TheRegineSeriesNationwideTour

R30 Album and Anniversary Concert!
November 2016 Album
December 2016 Concert

#R30 #SongbirdTatlongDekada




Custom Search

Monday, April 23, 2012

Regine Velasquez on making a full-blast showbiz comeback

Regine on Party Pilipinas FTW CLICK ME
  Blog Widget by LinkWithin
Nagkaroon ng birthday celebration sa musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas kahapon, April 22, ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez.

Kahapon ang mismong 42nd birthday ni Regine.

Natanong siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung meron din bang party na magaganap kaugnay ng kanyang kaarawan.

“Wala. May family day sa bahay.

“Kasi kapag Sunday, family day. Gano’n lang.

“’Tapos may pansit! Yes. Kapag birthday, laging may pansit!” natatawang sabi ng Asia’s Songbird.

FIRST BIRTHDAY AS A MOM. Ito ang unang kaarawan ni Regine na kapiling niya si Nathan, ang five-month-old baby nila ng asawa niyang si Ogie Alcasid.

Ayon nga sa singer-actress, mas kumpleto na ang buhay niya ngayong kapiling nila si Nate.

“Uhm, siyempre, iba na ang pakiramdam, ano,” nangiti si Regine.

“Kanina ngang madaling-araw, magkasama kami.

“So, wala. Tinitingnan ko lang matulog.

“Kasi hinihintay ko ‘yong asawa ko. So, tinitingnan ko lang.

“E, umaarte-arte siya! Ha-ha-ha! Kumikilos-kilos.

“Inaamoy ko ‘yong hininga niya. Gusto kong gisingin. Gusto kong laruin.

“Kaya lang, kawawa naman. Hinayaan ko na lang. Tinitingnan ko lang siyang matulog.


“Siyempre masarap sa pakiramdam. Iba na ‘yong feeling.

“At saka na-realize ko, it’s not about me anymore.”

BIRTHDAY WISH. Ano naman ang kanyang birthday wish?

“Pumayat ako! ‘Yon lang!” natatawang sabi ni Regine.

“Wala na akong ibang wish. Ibinigay na lahat sa akin.

“Wish ko na lang—pumayat ako.”

Ano ba ang mga ginagawa niya ngayon for her to lose weight?

“Uhm, right now, I just started ano, e… I just started ‘yong aking diet.

“Kasi nga, five months na si Nathan so nagda-diet na ako ng konti.

“Before itong nag-diet ako, I’m breastfeeding—full-time.

“E, ngayon, five months na siya. So, nagsu-solid food na.

“’Tapos meron na siyang supplements, so puwede na. Konti-konti.”

THE COMEBACK. Ibig bang sabihin nito ay babalik na siya sa pagiging active sa kanyang career soon? Napanood na nga siyang mag-perform sa Party Pilipinas kaugnay ng kanyang birthday celebration kahapon.

Pero ayon kay Regine, “As much as possible sana, ayokong bumalik muna na medyo hindi pa ako comfortable sa sarili kong… skin.

“So, ayoko naman na kapag lumalabas ako ng TV, parang nai-insecure ako...


“I will work hard first to lose all the weight that I’ve gained during my pregnancy. ‘Tapos hopefully, mabilis lang.

“Siyempre, I have to take time kasi I carried the baby for nine months. Hindi naman gano’n kadali iyon.”

Dagdag pa niya, “At saka siyempre, hindi na rin ako gano’n kabata. Matanda na rin.

“So I have to be a little more patient with my body and with myself.

“Sana people will be patient with me also.”

Ilang pounds ba ang balak niyang bawasin bago siya maging confident ulit?

“Puwedeng huwag ng gano’n?” patiling biro ni Regine.

“Hindi… basta I’ll know naman, e. Ayoko nang sukatin.

“Basta... siyempre makikita mo naman sa hitsura mo, di ba?

“At saka kung nasusuot mo na ‘yong mga clothes na sinusuot mo, then that’s the time.”

BABY NATE ON PARTY PILIPINAS. Nagkaroon ng first live appearance si Nathan sa birthday celebration ni Regine sa Party Pilipinas kahapon. Planado ba iyon?

“Wala. Parang hinatak nga lang siya! Na ‘Halika, dito tayo!’” natatawang sabi ni Regine

Obserbasyon ng ilan, parang alam o nararamdaman na ni Nathan na nasa harap siya ng camera.

“Gano’n ba? Sanay siya, e. Ewan ko sa kanya.

“At parang namana niya ‘yong pagiging Mr. Friendship ng tatay niya,” sabi ni Regine.


At may commercial na rin ang baby nila ni Ogie—isang insurance company kung saan kasama rin silang mag-asawa.

“Yes!” proud na proud na reaksiyon ni Regine.

Masusundan ba kaagad ang unang commercial ni Nathan?

“Thank you to Sun Life. Thank you for trusting us—the whole family.

“A… may mga nag-o-offer talaga. Pero siyempre, tinitingnan namin kung ano talaga ‘yong maganda na kaya naming…

“Siyempre kapag nagku-commercial, ikaw ‘yong parang nagri-represent ng product.

“So, konti-konti,” napabungisngis na sabi ni Regine.

BIRTHDAY GIFT FROM OGIE. Ano naman ang birthday gift na natanggap niya mula kay Ogie?

“Naku, marami!” bulalas ni Regine.

“Binigyan pa niya ako ng pagkalaki-laking card. Kasi iyon ang favorite ko na ibinibigay niya sa akin, e—card.

“’Tapos may bag, may flowers… ang dami.”

Sobrang busy sa trabaho ngayon si Ogie.

Bukod sa Bubble Gang at Party Pilipinas, may pelikula at may bago ring afternoon series itong pagbibidahan sa GMA-7.

Hindi ba niya nami-miss ang asawa sa panahong kinakapos ito ng panahon para sa kanila ni Nate?

“Nami-miss,” pag-amin ni Regine.


“Pero siyempre, buti na lang kasama ko si Nathan.

“Kasi at least, meron akong kasama. Hindi ako mag-isa.

“No’ng buntis ako, talagang hirap ako, e. Kasi mag-isa lang ako, e.

“Pero ngayon, at least kasama ko si Nathan.

“Siyempre, iba rin ‘yong kasama ko siya [Ogie].

“Tanong nga ako nang tanong sa kanya, ‘Anong gagawin mo bukas?’

“Siguro mga limang beses ko siyang tatanungin, ‘Anong gagawin mo bukas?’”

TWEETS FROM REGINE. Mahilig pa rin ba siya sa pagtu-tweet bilang isa sa napaglilibangan niya?

“Nagtu-tweet pa rin naman ako. Kaya lang ngayon, medyo nakakapahinga na ako dahil natutulog na si Nathan nang maaga.

“Kaya lang, lumilikot na. So, gumigising na ako nang maaga.

“Biglang dumadapa na. Baka mahulog,” sabi ni Regine.

So, talagang hands-on mom pa rin siya kay Nathan?

“May kasama naman ako. Pero siyempre, gusto kong makita ‘yong paglaki, e.

“At saka maganda nga kasi I’m given this time talaga to take care of the baby. So, samantalahin!” saad ni Regine.

Source! PEP / Ruben Marasigan

winner!





  Bookmark and Share

No comments:

Post a Comment