Songbird Bulletin!

Songbird Source! on FACEBOOK! Click ME to like!

Saturdays 10:40am after Maynila on GMA7

Concert:
PLDT Regine Series Nationwide Tour
facebook.com/TheRegineSeriesNationwideTour

R30 Album and Anniversary Concert!
November 2016 Album
December 2016 Concert

#R30 #SongbirdTatlongDekada




Custom Search

Wednesday, August 24, 2011

Regine LIVE at Ogie Alcasid's Birthday Concert 'Celebration' 082311

More concert photos CLICK ME

"Please forgive me for always talking about our baby. Because I am a proud father and both me and Regine are proud parents. Alam ko na may mga nagsasabi at nababasa ko na bakit I always talk about our baby. Hindi nila kami masisisi because excited kami sa magiging anak namin," says Ogie Alcasid.

:::::::::::::::::::::


Proud na proud si Ogie Alcasid nang ipakita ang 4-D image ng kanyang unborn baby boy bilang sorpresa sa mga nanood ng kanyang birthday concert na Celebration: A Birthday Concert kagabi, August 23, sa Newport Performing Arts Theater sa Resort World Manila.
 
Naging very emotional nga ang 44th birthday celebration ni Ogie dahil bukod sa pagpapakita ng magiging hitsura ng baby boy nila ni Regine Velasquez, dumating din ang mga malalapit na kaibigan ng singer para batiin at mag-perform sa kanyang concert.
 
Kabilang sa mga naging panauhun ni Ogie ay sina Solenn Heussaff, Derrick Monasterio, Jaya, La Diva, Kyla, Frencheska Farr, Hotlegs, at ang Wonder Boys (Michael V, Antonio Aquitania, at Boy2 Quizon).
 
Sinorpresa rin si Ogie nina Mitch Valdes at Dingdong Avanzado.
 
REGINE SINGS AGAIN. Isa naman sa mga inabangang surprise number ay ang paglabas ng misis ni Ogie na si Regine, na anim na buwang buntis sa kanilang panganay.
 
Inawit ni Regine ang "Yesterday" na tina-Tagalog naman ni Ogie ang lyrics kaya tawa nang tawa ang kanyang misis.
 
Nag-duet din sila ni Ogie ng awiting "Hanggang Ngayon."
 
Sabi ni Ogie, kasama talaga ang kanyang misis sa lineup ng kanyang guests noong gabing iyon.
 
Inaalala lang daw niya si Regine kung kaya na ba nitong humarap sa maraming tao para kumanta.
 
"Ilang beses ko naman siyang tinanong if it's okay for her to come out in my concert.
 
"Kung hindi niya kaya, okey lang naman because alam ko ang kalagayan niya.
 
"But she said na she will do this for me. Kung sa ibang tao raw nagagawa niya, bakit hindi raw sa akin?
 
"Kaya hayan, nakita na nila siya at buntis na buntis talaga siya!" tawa pa ni Ogie sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
 
Bago ang concert ni Ogie ay nag-guest din si Regine sa concert ni Angeline Quinto noong July.
 
Natutuwa nga si Ogie dahil bumalik na raw ulit ang confidence ni Regine na humarap sa maraming tao.
 
Kailan lang ay ikinuwento ni Ogie na nagkaroon ng insecurity si Regine dahil pakiramdam nito ay hindi na siya maganda dahil sa pagbubuntis niya.
 
"Iba na siya ngayon. Nalagpasan na niya yung stage na 'yon na parang insecure siya at nagiging emotional siya.
 
"Lahat naman ng mga first time na magbuntis ay dumaraan sa gano'ng stage.
 
"I always tell her na maganda siyang magbuntis. And nakita naman ng lahat na she's glowing and she's very beautiful.
 
"I've never seen her so beautiful kaya lalo akong nai-in love sa kanya ngayon," nakangiti niyang sabi.

4-D IMAGE.
Highlight nga ng gabing iyon ang pagpapakita ng hitsura ng baby sa sinapupunan ng Asia's Songbird via 4-D image.
 
Hindi nga mapigilan si Ogie na lalong maging emotional dahil sa ilang buwan na lang ay makakapiling na nila ang kanilang baby boy, na pinangalanan nilang Nathaniel James.
 
"Please forgive me for always talking about our baby. Because I am a proud father and both me and Regine are proud parents.
 
"Alam ko na may mga nagsasabi at nababasa ko na bakit I always talk about our baby.
 
"Hindi nila kami masisisi because excited kami sa magiging anak namin.
 
"Alangan namang baby ng ibang tao ang pag-usapan natin, di ba?" sabay tawa niya.
 
Dagdag ni Ogie, "Sana naman maging understanding sila sa mga nararamdaman namin ng misis ko.
 
"This is our first baby together and we want to share our happiness.
 
"Masayang-masaya lang talaga kami at wala namang masama siguro roon."
 
Sa Party Pilipinas this Sunday ay ipapakita ulit ni Ogie ang 4-D image ni Nathaniel James.
 
Sa Saturday, August 27, pa talaga ang exact birthday ni Ogie kaya may big birthday special siya sa musical-variety show ng GMA-7 sa Linggo.
 
"Mas maganda at mas malinaw na 4-D image na ipapakita namin sa Party Pilipinas.
 
"Gusto namin ng misis ko na i-share sa mga kasama namin doon ang hitsura ng aming baby.
 
"Pahulaan kung sino ang kamukha. Ako ba o si Regine?" tawa pa ni Ogie.
 
FAMILY DAY. Sa mismong araw naman ng birthday ni Ogie ay magiging family day raw nila ito ni Regine.
 
"May naka-schedule na doctor's appointment si Regine on Saturday kaya sasamahan ko siya.
 
"Then we will have a quiet celebration. Kaming dalawa lang and our baby na ilang buwan na lang ay darating na.
 
"The next day, big celebration sa GMA-7 kaya I will take that Saturday as a rest day and to be with my family."
 
Kaya magandang birthday gift daw para kay Ogie ang lahat ng nangyayari sa buhay niya.
 
Wala na raw siyang mahihiling pa sa Panginoon dahil blessed na blessed ang kanyang pamilya.


"Ano pa ba ang mahihiling ko kay Lord? Siguro good health na lang at patuloy na maging maganda ang takbo ng buhay namin ng misis ko at ng magiging baby namin.
 
"Sa aking career, I can't complain.
 
"I have a new show coming out which is Protégé na makakatulong sa mga talented Pinoys from different parts of our country.
 
"Nandiyan pa rin ang Party Pilipinas at Bubble Gang.
 
"My recording career is in full swing as well.
 
"I like to say thank you sa ating Panginoon for everything. Kaya we always give back and share our blessings.
 
"It's the small things that we do that make our life a lot better every day," sabi pa ni Ogie.

Source! PEP.com

Ogie Alcasid 'Celebration' will be featured on GMA7 soon, so pls. watch.

Here's a glimpse of their duet..

Hanggang Ngayon

vid by regineskie071


Pls. answer our POLL. Click me

More Photos of the 4D Ultrasound: CLICK ME
 




Blog Widget by LinkWithinBookmark and Share

No comments:

Post a Comment