Songbird Bulletin!

Songbird Source! on FACEBOOK! Click ME to like!

Saturdays 10:40am after Maynila on GMA7

Concert:
PLDT Regine Series Nationwide Tour
facebook.com/TheRegineSeriesNationwideTour

R30 Album and Anniversary Concert!
November 2016 Album
December 2016 Concert

#R30 #SongbirdTatlongDekada




Custom Search

Sunday, July 31, 2011

Regine at 5 1/2 Months Update: Excited for their Upcoming Baby Boy "Nate"

Nathaniel James ang pangalan na napili ng mag-asa­wang Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid para sa kanilang unang baby. Nasa ika-5th month na nga nang pagbubuntis ang Songbird at binalita nga ni Ogie na okey na ang pakiramdam nito.

“My wife is doing fine. Wala na siyang mga nararanasan na complications unlike noong first trimester niya. Talagang sakripisyo tayo sa mga nararamdaman niya.

“Now ay okey na okey na siya. Nakakakilos na siya ng maayos.

Iniiwasan ko lang ay ang patawanin siya nang husto. Kasi kapag tumawa ‘yang si Reg, sobra-sobra at sumasakit ang tiyan niya. Kaya as much as possible ayokong mag-joke sa kanya para maiwasang matawa siya nang husto,” kuwento ni Ogie sa press launch ng OPM Summit and Fair.

Pinaliwanag ni Ogie kung bakit Nathaniel James ang napili nila ni Regine na pangalan ng kanilang baby boy. May kumalat kasi na baka raw Herminio Jr. daw ang ibigay nilang pangalan sa baby.

“There’s nothing wrong naman kung i-junior ko ang baby namin. Kaso, hindi na akma sa panahon natin ngayon ang pangalang Herminio, ‘di ba? Ha! Ha! Ha! Ha!” malakas na tawa ni Ogie.


“Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Ilan bang bata ang pinapangalanan na Herminio ngayon, ‘di ba?

Ha! Ha! Ha! Ha!


“Napili namin ‘yung Nathaniel kasi parang bagay na bagay. Mayamang pakinggan ang pangalan, ‘di ba?

Sosyal. At gusto naming nickname niya ay Nate. Parang isa lang siya sa characters ng Gossip Girl! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Kaya kapag tinawag namin siya, ‘Nate!’ uy ang sosyal! Ha! Ha! Ha! Ha!
“Yung James naman, matagal na naming feel ni Reg ang pangalan na James. Biblical name kasi ang James at match siya sa Nathaniel. Kaya sosyal na, magiging malapit pa sa Diyos ang anak namin.”

Naikuwento nga ni Ogie na inuunti-unti na raw nilang ayusin ang magiging kuwarto ng baby nila.

Though hindi pa raw nila napipili kung ano ang magandang kulay, may mga gamit na raw ito na sinubukang buuin ni Ogie.

“Meron na siyang crib at ‘yung stroller. Ang hirap pala buuin ‘yung crib. Kasi marami na palang mga features ang mga crib ngayon. May MP3 player na, may pang-uga na siya at kung anu-ano pang kinakagulat ko. Eh noong araw, ‘yung crib tulugan lang ng bata, ngayon parang kulang na lang ay iMax at 3-D! Ha! Ha! Ha! Ha!” tawa pa niya ulit.

“Pero nasubukan ko namang mag-DIY (Do-It-Yourself) dahil para naman may maipagmalaki ako sa anak namin. ‘Yung ibang gamit niya, baka sa baby shower na lang namin makuha. May baby registry naman kaya piliin na lang namin ang kulang at bahala na ang mga guest kung ano ang kunin nila.”

Sa gitna nga ng pagiging busy ni Ogie ay nagagawa pa niyang mabalanse ang oras niya sa trabaho at sa kanyang misis na buntis ngayon. Panay nga ang dasal ni Ogie na bigyan siya parati ng lakas para magawa niya lahat.

“Right now kasi, we’re on the audition leg of our new show sa GMA-7 na Protégé. Kasama ako sa mga auditions na ‘yan and it takes us sa iba’t ibang probinsya nationwide. So isipin n’yo na lang ang pagod sa biyahe, not to mention ‘yung makikipag-interact ka with the people auditioning.

“Then may Party Pilipinas pa every Sunday and Bubble Gang taping. Isama na rin natin ‘yung ibang mga raket ko na shows, personal appearances, product endorsements at ito ngang OPM Summit and Fair ay inaasikaso rin namin. May meeting kami every week ng OPM para maplantsa na ito.

“But through it all nga, I still want to be with my wife at the end of the day. Gusto kong malaman ang bawat development sa araw niya. I can’t be with her 24 hours a day dahil sa trabaho, but the hours that I am with her is very fulfilling at nawawala ang pagod natin especially when I see her happy and glowing,” pagtatapos pa ni Ogie.

Source! Abante

Blog Widget by LinkWithinBookmark and Share

No comments:

Post a Comment