Full House Tonight!

Full House Tonight!
Full House Tonight! Saturday Nights after Magpakailanman

Songbird Bulletin!

Songbird Source! on FACEBOOK! Click ME to like!

Saturdays 10:40am after Maynila on GMA7

Full House Tonight
Saturday Nights after Magpakailanman



#R30 #SongbirdTatlongDekada




Custom Search

Sunday, December 12, 2010

Regine, Emotional on Party Pilipinas "Kilig" Fantasy Album Gold Record Awarding and Her Pre- Wedding Message 121210


more photos here>>> click mE


Naging emosyunal si Regine Velasquez sa huling araw niya sa Party Pilipinas kaninang hapon, December 12.

Pansamantala muna kasing hindi mapapanood ang Asia's Songbird sa musical-variety show ng GMA-7 dahil sa paghahanda sa kanyang kasal kay Ogie Alcasid sampung araw mula ngayon—December 22.

Sa bandang huling bahagi ng Party Pilipinas kanina ay binigyan ng maliit na "tribute" si Regine.

Pagkatapos kantahin ng singer-actress ang isa sa mga awitin sa kanyang bagong album na Fantasy—ang "Ok Lang Ako" na nilika ni Chito Miranda ng Parokya Ni Edgar—ay iginawad sa kanya ang Gold Record Award.

Wala pang isang buwan na na-release ang bagong album ni Regine, pero nag-Gold na ito. At ayon sa Universal Records boss na si Kathleen Dy ay No. 1 dahil sa lahat ng record stores.

Sa kanyang pagpapasalamat, nabanggit ni Regine na na-realize niya na ang Fantasy na pala ang huling album niya bilang "Regine Velasquez." Next year kasi ay magiging "Mrs. Ogie Alcasid" na siya.

Pagkatapos ng awarding kay Regine ay sumunod na ang pagkanta ng mga kasamahan niya sa programa na sina Jaya, Kyla, Rachelle Ann Go, at ang La Diva (Jonalyn Viray, Aicelle Santos, at Maricris Garcia) ng ilan sa mga pinasikat niyang mga kanta: "Kailangan Ko'y Ikaw, "Love Me Again," "Dadalhin," at ang cover version ng "On The Wings of Love."

Pagkatapos bumirit ni Jaya ng "On The Wings of Love" ay tinawag niya si Regine, na katabi ni Ogie sa may gilid ng stage, para magsalita at magbigay muli ng isang awitin.

NEW PAGE IN REGINE'S LIFE. Pag-akyat ng Asia's Songbird sa stage, natatawang sinabi niya kung bakit binibigyan siya ng tribute samantalang hindi naman siya tuluyang magpapaalam sa Party Pilipinas.

"Hindi ako magpapaalam, mag-aasawa lang ako!" bulalas niya.

Pagkatapos nito ay naging seryoso na si Regine at nagsalita siya tungkol sa bagong yugto na papasukin niya sa kanyang buhay.Sabi niya, natapos na ang "pag-iisip" niya para sa kanyang mga magulang at mga kapatid."Tapos na po ako do'n. Lahat po ng mga kapatid ko, and thank God, they are all doing well. And my parents are doing well also."Maraming salamat kay Lord kasi natapos ko na 'yon," naluluha nang sabi ni Regine.Hindi naman kaila sa marami na si Regine ang nagtaguyod sa kanyang pamilya mula nang manalo siya sa Bagong Kampeon hanggang sa sumikat siya bilang singer ar aktres."And there was a time na ako na lang ang iniisip ko," patuloy ng Asia's Songbird."So ngayon, medy mababago ulit kasi hindi ko na masyadong iisipin yung sarili ko. Kasi, kailangan isipin ko na meron na pala akong partner."Ang tinutukoy na "partner" siyempre ni Regine ay ang magiging asawa niya na si Ogie Alcasid.Pagkatapos nito ay pinasalamatan ni Regine ang "lahat ng mga nakasama ko simula pa lang"—mula sa una niyang manager na si Ronnie Henares hanggang sa kanyang kapatid na si Cacai Velasquez, na siyang humahawak sa career niya ngayon.Dahil hindi niya mapigilang umiyak habang nagsasalita, nagbiro ito ng: "Pasensiya na kayo, medyo emotional ako, hormones! Hello!"Patuloy niya, "Nagpapasalamat din ako sa mga taong tumulong sa akin."Higit sa lahat, nagpapasalamat po ako sa mga kaibigan ko na patuloy pong sumusuporta sa mga album ko, nanonood ng mga pelikula ko, bumibili ng mga CD ko."Nagbabasa ako minsan sa Internet, nakakatawa, kasi nilalagay nila do'n: 'Regine at 40, ikaw pa rin!'

"Bakit naman kailangan may 40 pa?" natatawa niyang sabi.

"No, but thank you.

"From the bottom of my heart, hindi ko po mararating kung ano po ang narating ko ngayon kung wala po kayo.

"Maraming-maraming salamat po," naiiyak na sabi pa ni Regine.

THANK YOU, BUT NO GOODBYE. Pero paglilinaw niya, "Hindi po ako nagpapaalam, nagpapasalamat lang po ako.

"Hindi naman po ako magpapaalam dahil ayaw naman po akong pahintuin ng magiging asawa ko.

"I'm very thankful na sabi niya, kung pagod na ako, magpahinga ako sa ibang bagay na ginagawa ko. Pero huwag ko daw iwan ang pagkanta.

"Thank you very much, Babu," mensahe ni Regine sa kanyang future husband.

Pinasalamatan muli ni Regine ang mga nakatrabaho niya sa Party Pilipinas.

"Magkita-kita tayo next year kasi may pasabog ako next year! Good luck! Abangan n'yo!" dagdag niya.

REGINE'S "SONG." Pagkatapos nito ay tumugtog na ang piyesa para number niyang "You Are My Song."Pero pagkatapos ng unang verse ng kanta ay hindi na naituloy ni Regine ang pagkanta dahil tuluyan nang umagos ang luha niya."Ano ba?!" natatawa niyang sabi, pero hindi pa rin niya mapigilan ang kanyang emosyon at hindi pa rin siya nakakanta.Dahil dito, sinalo na lang siya ng kaibigan niyang si Jaya, na nasa gilid na ng stage, at siyang nagtuloy ng kanta. Sumabay na rin sina Kyla, Rachelle Ann, La Diva, at maging si Ogie.Nang maka-recover si Regine nung bandang huli ay itinuloy niya ang pagbirit sa kanyang sariling kanta.Bagamat hindi muna mapapanood si Regine sa Party Pilipinas, hindi naman siya tuluyang mami-miss ng kanyang fans dahil may nakahanda na siyang teleserye sa Kapuso network.Isa sa opening salvo ng GMA-7 sa 2011 ang I ♥ You Pare na pagsasamahan nina Regine at Dingdong Dantes.

Source!- Yahoo! News


OK Lang Ako/ Fantasy Gold Awarding/ Tribute

vid vy nih017

Message of Regine/ You Are My Song

vid by SongbirdOnline


Blog Widget by LinkWithinBookmark and Share

7 comments:

  1. hay gudluck po sv ng taga hanga nio

    ReplyDelete
  2. my ganto k pla? LOVE IT..:) congrats sa inyo ni ogie.. super like kita francine..! nyahahahah! ang tagal na e basta,cute mu kc dun.
    super comon tayo na super lyk ang showbiz chika at mga ateng!! haha

    ReplyDelete
  3. please include this too.
    http://www.youtube.com/watch?v=OSyw4iw0vag

    ReplyDelete
  4. i like her so much...best wishes to REGINE AND OGIE!!

    ReplyDelete
  5. grabe ang moment n to khapon s PARTY PILIPINAS..

    lam mu un n pti ikaw n fan tlgang maiiyak lalo pang nkakatouch n tinwag nya tayong KAIBIGAN cnb nya nrin un dti.. haaayyy.. npkabait nya tlga kya nmn she really deserves everything n mron xa ngayon..

    "I know for sure...that we were meant to fall in love...."

    yan jan n di kinaya ng lola ntin haha..

    I really Love you Songbird... I Love You Ate Reg!!!!

    Best wishes!!

    ReplyDelete
  6. hayyy ur so bait talaga kaya u deserved much more happiness...hahahah super-super un!da best ka talaga. more power and GOD BLESS^_^
    tnx kuya ogie for loving her...(my one and only songbird)BEST WISHES!!!!

    ReplyDelete
  7. naiyak ako ...grabee ... kaibigang regine ... thank you for inspiring me also :o)

    ReplyDelete