Songbird Bulletin!

Songbird Source! on FACEBOOK! Click ME to like!

Saturdays 10:40am after Maynila on GMA7

Concert:
PLDT Regine Series Nationwide Tour
facebook.com/TheRegineSeriesNationwideTour

R30 Album and Anniversary Concert!
November 2016 Album
December 2016 Concert

#R30 #SongbirdTatlongDekada




Custom Search

Monday, December 13, 2010

Regine Velasquez: I Heart U, Pare! 2011 "Pasabog", Last Days Being Single and More!


Tatlo ang characters ni Regine Velasquez sa kanyang bagong series sa GMA 7 na I ♥ You Pare. Role niya ay isang babae, isang bading at isang lalake. Kaya minsan daw ay naguguluhan si Regine kung ano na ba ang character na kinukunan sa kanya.

“Pinapahirapan nila talaga ako. Ayaw nila akong ngaragin, ‘di ba? Hindi sila nakuntento na babae at bading ang role ko, dinagdagan pa ng isa pa at kailangan umarte ako na tunay na lalake! Ayaw na nila akong bigyan ng peace of mind! Ha! Ha! Ha! Ha! “Pinapaalala ko lang sa kanila na malapit na akong ikasal kaya hinay-hinay naman sila sa mga pinapagawa sa akin! Gusto ko fresh ako sa araw ng kasal ko! Ha! Ha! Ha! Ha!” sabi ni Regine. Nag-last taping day na nga si Regine sa I ♥ You Pare last Friday dahil kailangan na niyang magpahinga dahil sa December 22 na ang kanyang wedding day with Ogie Alcasid.“Nakunan na namin ang pilot week. Kaya sarado na iyon. Yung iba namang na-tape ko na ay yung mga big production numbers na kasama ko ang mga drag queens led by none other than Kuya Pip (Tirso Cruz III) na ang name dito ay Sarsi. “Aalagaan kasi ako ng mga drag queens dito. Itatago nila ako dahil may nangyaring hindi maganda sa buhay ko. Kaya para magkaroon ako ng silbi, tinuruan nila akong maging bading at ginawang showgirl na rin. “Abangan nila ito kasi masaya ang show na ito at magkakaroon ng showdown between sa grupo nila Kuya Pip at sa grupo nila Paolo Ballesteros. Sila Paolo kasi ang mga batang drag queens na kalaban ng mga mashoshondang drag queens. Ang saya-saya kaya abangan nila ito.”

Nakunan na rin daw ang kissing scene nila ng leading man niyang si Dingdong Dantes. Kilig daw ang mga eksenang iyon at kumportable na siya na katrabaho si Dong.

“Kami naman ni Dong, noon pa kami nagkakatrabaho. May ginawa kami noon na TV-movie tapos nagkapareha pa kami sa Pangarap Ko’y Ibigin Ka. Kaya yung kissing scene, wala lang iyon. Parang normal lang. Feeling ko lang si Marian Rivera ako. Inisip ko naman na si Ogie siya! Ha! Ha! Ha! Ha!” tawa ulit ni Regine.

Kakapirma nga lang pala ni Regine ng bagong network contract para sa GMA 7. Biro nga ni Regine na “panghabambuhay” na ang kotratang iyon with the Kapuso network.

-Abante, Dec. 13, 2010 "Regine, Feeling Marian sa Laplapan kay Dingdong!" ni Ruel Mendoza


::::::::::::::::::::::::::::::::::



Simula na this Monday ang three-week vacation from work ni Regine Velasquez, hindi muna siya mapapanood sa Party Pilipinas at tigil muna sa taping ng I Heart U Pare. Sa pagbabalik niya sa January 2011, Mrs. Ogie Alcasid na siya.Sabi ni Regine, matagal nang dumating ang wedding gown niyang gawa ni Monique Lhuillier na ’di niya maisukat dahil bawal, pero puwedeng isukat ’wag lang makita ng groom. Bago magbakasyon, ini-launch muna ni Regine ang kanyang Fantasy album na after two weeks, na-hit na ang gold mark. Nag-advance taping na rin siya para sa I Heart U Pare na kundi Jan. 17 ay Jan. 31, 2011 ang premiere. Kapareha niya rito si Dingdong Dantes at gaganap siyang drag queen. “Baklang-bakla ako rito, nagli-lip sync ako na inaral ko dahil hindi ako magaling nun. Masaya ang taping namin at tawa lang kami nang tawa. Marami akong kasamang bakla at sina Dingdong at Marc Abaya lang ang tunay na lalaki sa istorya,” sabi ng Asia’s Songbird.

Nag-workshop si Regine kay Pen Medina para magampanan ang complicated role nina Tonette at Tonia. Nakakatulong din na marami siyang kasamang bakla sa taping at ang nagbabakla-bakla*ang sila Tirso Cruz III, Joel Saracho, at Boy Alano at si Direk Andoy Ranay.

Samantala, nag-iyakan kahapon sa last day ni Regine sa Party Pilipinas pero nangakong babalik dahil hindi siya papayagang tumigil sa pagkanta ni Ogie.

“Magkita tayo next year, may pasabog ako,” sabi ni Regine na kahit umiiyak na, maganda pa ring kumanta.

-Pil. Star Ngayon, Dec. 13, 2010 "Pagkatapos ng 3 Linggong Bakasyon, Regine Magbabalik na May Pasabog sa 2011" ni Nitz Miralles



Blog Widget by LinkWithinBookmark and Share

No comments:

Post a Comment