Ayon sa wikipedia, sa modernong kultura, icon ang tawag sa taong maituturing nang simbolo, na nakilala sa kanilang pambihirang katangian at natatanging kontribusyon sa mga napili nilang larangan.
Ngunit paano nga ba maging isang icon? Anong pakiramdam na marating ang pinakatugatog ng tagumpay? Imortal mang maituturing ang kanilang mga pangalan, may hangganan din ba ang kanilang kasikatan at impluwensya sa lipunan?
Sa ika-anim na taong anibersaryo ng Kapuso Mo, Jessica Soho, kakapanayamin ng multi-awarded broadcast journalist na si Jessica Soho ang apat sa maituturing na Pinoy ICONS ng ating henerasyon.
Wala namang dudang isa na siguro ito sa pinakamasaya at pinakamatagumpay na taon para sa Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. Wala pa ring nakakaagaw sa kanyang trono bilang numero unong diva sa bansa, kasalukuyan siyang may ginagawang indie film at sinimulan na rin niya ang shooting ng pinakabago niyang soap opera. At tila hindi pa sapat ang lahat ng kaligayahang ito, dahil ngayong Disyembre, ikakasal naman na si Regine sa kanyang kasintahang si Ogie Alcasid. Ilang linggo bago ang kanilang pag-iisang dibdib, may mga mahalagang inamin si Regine kay Jessica Soho tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ni Ogie. pati na rin ang kanyang kakaibang “bra-less” fashion sense! At sa isang pambihirang videoke session, mapapalaban si Jessica Soho sa biritan kasama ang Songbird! Maka-perfect score kaya sila?- blogs.gmanews.tv
Meet other Pinoy Icons- http://blogs.gmanews.tv/kapuso-mo-jessica-soho/2010/11/24/pinoy-icons-kapuso-mo-jessica-soho-6th-anniversary-special/
Pls. watch it on November 27, 2010 featuring Ms. Regine Velasquez
vid by gmapublicaffairs
Teaser
vid by asilverphoenix
go regine ... ur the best
ReplyDeletefellow fans..i really want to watch the jessica soho's episode tom. but i have my appointment.. sana mag post kayo agad ng video ni ate rej from thaat episode..thanks:)
ReplyDelete