Full House Tonight!

Full House Tonight!
Full House Tonight! Saturday Nights after Magpakailanman

Songbird Bulletin!

Songbird Source! on FACEBOOK! Click ME to like!

Saturdays 10:40am after Maynila on GMA7

Full House Tonight
Saturday Nights after Magpakailanman



#R30 #SongbirdTatlongDekada




Custom Search

Sunday, May 15, 2011

Songbird's Pregnancy Update May 15

just came from o.b , baby is doing great at 11 weeks praise God.. -ogie alcasid tweet



NAGMIMISTULANG bilanggo ngayon sa sariling bahay ngayon si Regine Velasquez.



Huminto sa pag-inog ang kanyang showbiz world. Hindi siya lumalabas ng bahay, maliban na lang kung magpapa-check-up sa kanyang doktor sa kanyang pag-bubuntis.



Dahil ‘nakakulong’ na nga sa bahay, walang ginawa si Regine kundi kumain nang kumain. Lumobo tuloy siya nang husto.



Ang tawag na nga raw ngayon ni Ogie Alcasid sa Songbird ay ‘Big Bird.’Mabuti na lang hindi naging ‘Yellow Bird ‘ ng Sesame Street, hahaha!



Samantala, naging isyu ang pag-deny ni Ogie sa tsikang kumakalat na baby boy ang panganay nilang mag-asawa. Lumalabas daw tuloy na tila ayaw ni Ogie na maging boy ang kanilang panganay ni Regine.



Pero sa isang interview kay Ogie lately, para siguro makabawi, sinabi nitong sakaling baby boyang isisilang ni Regine, magiging super-happy siya.



Oo nga naman, ‘di ba lahat, babae ang naging mga anak ni Ogie sa dati niyang asawang siMichelle Van Eimereen?









NGAYON pa lang ay parang kinukondisyon na ni Regine Velasquez na baby boy ang ipinagbubuntis niya.

Kuwento ni Ogie, la­ging ina-adress ni Regine na “he” o “his” ang baby na nasa sinapupunan niya.

Pahayag ni Ogie, ma­laking blessings na ang pagkabuntis ni Regine kaya masaya siya kahit baby girl ito.

Pero lahat sila siyempre ay gusto ng baby boy.

Kahit ang dalawa niyang anak na sina Leila at Sarah ay gusto rin ng baby boy.

“Nakakausap ko sila every other day. Ina-update ko rin sila.



Nakikita nila si Regine sa Skype, nakikita nila na malaki na ang tiyan at tuwang-tuwa ang mga anak ko.

Kasi, family kami, eh. So, nakakatuwa,” kuwento ni Ogie.

Kahit sina Regine at Michelle van Eimeren ay madalas din ang pag-uusap. Nagbibigay si Michelle ng tips sa kalaga­yan ni Regine.

“Alam mo naman kapag ang babae, nabubuntis, maraming chan­ges. Maraming puwedeng mangyari.

“You have to watch what to eat, ‘yung huwag masyadong marami.

Kapag ginutom mo ang sarili, hindi rin made-develop nang mabuti ang bata,” sey pa ng songwriter.

Sampung linggo na ang ipinagbubuntis ni Regine at okay na raw ito ngayon pati ang baby.

‘Pag pumasok na ito sa second trimester ng pagbubuntis, paparinggan na nila ito ng music.

“Kasi si Regine, binanggit sa akin kanina na, ‘Hon, baka puwede na natin paringgan ng music, para lalo maging musical ‘yung ating baby.

“Hindi pa siya sa first trimester na buo. Siguro, on the fourth month, puwedeng mag-iPod,” natutuwang kuwento ni Ogie.

Source!- Ms. Payoyo's FB Note
Blog Widget by LinkWithinBookmark and Share

No comments:

Post a Comment