Songbird Bulletin!

Songbird Source! on FACEBOOK! Click ME to like!

Saturdays 10:40am after Maynila on GMA7

Concert:
PLDT Regine Series Nationwide Tour
facebook.com/TheRegineSeriesNationwideTour

R30 Album and Anniversary Concert!
November 2016 Album
December 2016 Concert

#R30 #SongbirdTatlongDekada




Custom Search

Saturday, August 29, 2015

Regine Velasquez: An avid fan of Aldub/ One of the Starstruck 2015 Judges

Kabilang ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa mga celebrity na nahuhumaling din sa mainit na tambalan nina Alden Richards at Maine "Yaya Dub" Mendoza na magkilala sa tawag na “AlDub.” Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago sa GMA News 24 Oras nitong Martes, sinabi ni Regine na isa siya sa mga tumututok sa patok na kalyeserye ng Eat Bulaga.

 "I'm so happy for Alden. Nagkakagulo ang sambayanang Pilipinas dahil sa AlDub," ani Regine. "At natutuwa ako kay Maine. Actually ang ganda-ganda niya, nagpapapangit lang siya." Dagdag pa ng magiging judge sa inaabangang original reality-based artista search na StarStruck, "Actually bagay nga talaga sila ni Alden." Maging ang anak daw nila ni Ogie na si Nate ay sinusubaybayan din ang kalyeserye.

 Payo naman ni Regine kina alden at Yaya Dub, "Walang susuko. Ang tunay na pagmamahalan, mangyayari din 'yan."

 Samantala, kaibang pananabik daw ang ibinibigay kay Regine sa pag-upo niya bilang isa sa mga judge sa bagong season ng Starstruck. Natutuwa raw ang singer-actress sa buong proseso ng pagpili ng susunod na malaking bituin ng showbiz. "Alam ko na marami siyang pagdadaanang mga pagsubok, mga challenges. Literally alam ko kasing tsina-challenge yung mga contestant natin," aniya. Lalo raw na-excite si Regine para sa programa nang makita niya ang ilan sa mga kalahok. "Ang gaganda nila, ang babata. Pero hindi ko pa nakikita kung ano yung talagang kaya nilang gawin," dagdag niya. -- FRJ, GMA News Blog Widget by LinkWithin Bookmark and Share

1 comment:

  1. That is an extremely smart written article. I will be sure to bookmark it and return to learn extra of your useful information. Thank you for the post. I will certainly return.

    ReplyDelete