"I'm so happy for Alden. Nagkakagulo ang sambayanang Pilipinas dahil sa AlDub," ani Regine. "At natutuwa ako kay Maine. Actually ang ganda-ganda niya, nagpapapangit lang siya." Dagdag pa ng magiging judge sa inaabangang original reality-based artista search na StarStruck, "Actually bagay nga talaga sila ni Alden." Maging ang anak daw nila ni Ogie na si Nate ay sinusubaybayan din ang kalyeserye.
Payo naman ni Regine kina alden at Yaya Dub, "Walang susuko. Ang tunay na pagmamahalan, mangyayari din 'yan."
Samantala, kaibang pananabik daw ang ibinibigay kay Regine sa pag-upo niya bilang isa sa mga judge sa bagong season ng Starstruck. Natutuwa raw ang singer-actress sa buong proseso ng pagpili ng susunod na malaking bituin ng showbiz. "Alam ko na marami siyang pagdadaanang mga pagsubok, mga challenges. Literally alam ko kasing tsina-challenge yung mga contestant natin," aniya. Lalo raw na-excite si Regine para sa programa nang makita niya ang ilan sa mga kalahok. "Ang gaganda nila, ang babata. Pero hindi ko pa nakikita kung ano yung talagang kaya nilang gawin," dagdag niya. -- FRJ, GMA News