Songbird Bulletin!

Songbird Source! on FACEBOOK! Click ME to like!

Saturdays 10:40am after Maynila on GMA7

Concert:
PLDT Regine Series Nationwide Tour
facebook.com/TheRegineSeriesNationwideTour

R30 Album and Anniversary Concert!
November 2016 Album
December 2016 Concert

#R30 #SongbirdTatlongDekada




Custom Search

Saturday, November 29, 2014

Regine Velasquez and Ariel Rivera together again in a Christmas Special 'Himig ng Pasko'

“It’s always comfortable working with Regine. We’re used to each other.” Ito ang pahayag ni Ariel Rivera tungkol sa pagbabalik-tambalan nila ni Regine Velasquez para sa Christmas musical drama special ng GMA Network, ang Himig Ng Pasko. Maging ang Asia’s Songbird ay excited na makatrabaho muli si Ariel. “I’ve worked with him after 100 years. So, it’s good to be working with again,” biro pa ni Regine. Magkahiwalay na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Regine at Ariel nang bisitahin namin sila sa on-location taping ng Himig Ng Pasko. First taping day nila sa Fisher Mall, along Quezon Avenue, Quezon City, ngayong araw, November 28. Huling nagkasama ang dalawa sa isang acting project sa GMA teleserye na Forever In My Heart noong 2004 to 2005. Nang kumustahin ang tungkol sa kanilang first taping day, sinabi ni Regine na mga solong eksena pa lang ang nakunan nila kaninang umaga kaya hindi pa siya makapagkuwento tungkol dito. Ganunpaman, positibo ang singer-actress na magiging maganda ang resulta ng sandaling pagbabalik-tambalan nila sa Himig Ng Pasko. “We haven’t done a scene yet. Mamaya pa lang. "Today is our first taping day, 'tapos hindi ko pa siya nakakatrabaho ulit, so I’m excited. “He’s a really good actor and we all know that he's also an incredible singer,” pahayag ni Regine. Bagamat may exclusive contract si Ariel sa ABS-CBN, pinayagan siyang lumabas sa naturang two-episode show na ipapalabas sa Kapuso network sa December 13 at 20. “I have a contract with them [ABS-CBN]. But they allowed me to do this [Himig Ng Pasko] because it’s a Christmas special. “At the same time, this will be aired every Saturday. Our daily soap [Bagito] kasi is Monday to Friday. “They promised they would air this on a weekend para there's no conflict, so pinayagan ako,” paliwanag ni Ariel. Special request ng production team na bumubuo ng Himig Ng Pasko na muling pagtambalin sina Regine at Ariel. Kaya naman todo-pasasalamat sila sa dalawa nang pumayag ang mga ito na gawin ang upcoming Christmas special. Sabi naman ni Ariel ukol dito, “I was so glad they approached me for this. “People forget that I started as a singer. “Ang hirap kasi pagsabayin ang soap at singing kasi puyat ang kalaban ng singer, so bihira na ako makakanta. “Every time I’m given a chance to do something musically, I try to do it.” Ilan sa mga kantang pinasikat ni Ariel na mapapakinggan sa Himig Ng Pasko ay ang “Minsan Lang Kita Iibigin” at “Sana Ngayong Pasko.” Kakantahin naman ni Regine ang ilan pang Christmas carols ‘tulad ng “Kumukutikutitap” at “Himig Ng Pasko.” Pagbibidahan din ni Julie Ann San Jose ang naturang musical drama special, kung saan gaganap siya bilang anak ni Regine." Article by pep.ph Blog Widget by LinkWithin Bookmark and Share

No comments:

Post a Comment