Songbird Bulletin!

Songbird Source! on FACEBOOK! Click ME to like!

Saturdays 10:40am after Maynila on GMA7

Concert:
PLDT Regine Series Nationwide Tour
facebook.com/TheRegineSeriesNationwideTour

R30 Album and Anniversary Concert!
November 2016 Album
December 2016 Concert

#R30 #SongbirdTatlongDekada




Custom Search

Thursday, September 4, 2014

Regine Velasquez continues to help former rival Eva Castillo, says Direk Louie Ignacio

Kumalat ngayon sa Facebook ang video na ito ng singer na si Eva Castillo na may sakit ngayong kidney tumor.
Galing ang video sa Facebook account ni Mackoy Divina Gracia Adriano.

Read related article: Singer Eva Castillo diagnosed with kidney tumor; needs help

Agad na kinontak ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nag-manage noon kay Eva na si Direktor Louie Ignacio upang humingi ng karagdagang impormasyon sa kalagayan ni Eva. 

Sabi ng With A Smile director, patuloy raw sa pagtulong kay Eva ang kababata't karibal noon sa singing contests na si Regine Velasquez. 

Matagal na raw may sakit sa bato o kidney si Eva, pero nitong nakaraang dalawang taon lang lumala nang husto't nagkaroon na nga ng tumor. 

"Alam mo naman, mahirap lang sila noon. So kahit may sakit siya, hindi niya pinapansin. Nitong mga siguro dalawang taon na ang nakararaan nang parang lumala na," kuwento ng direktor at manager. 

Nang maratay na nga sa banig ng karamdaman nitong nakaraang dalawang taon ay tumigil na sa pagkanta si Eva sa clubs at nagpagamot na lang.

Patuloy naman sa pagtulong sina Regine at Direk Louie.

"Si Regine kasi, tuloy lang 'yan sa tulong. May iba rin namang mga tumutulong, pero mas si Regine.

"Sa ngayon kasi, malaki na talaga ang gastos ni Eva sa ospital, at kailangan pa talaga ng financial assistance," patuloy ni Direk Louie.

Si Eva ay dating karibal ni Regine sa mga singing contests noong bata pa sila. 

Palagi silang nagkikita't nagkakalaban sa mga amateur singing contests hanggang sa mapasali si Regine sa Ang Bagong Kampeon at mapabilang na sa showbiz, habang si Eva ay naging singer sa mga clubs at hotels, hanggang sa magkapamilya't tuluyang i-give up ang pagkanta. 

Noong ginawa ang TV special na Regine: Roots to Riches lang muli silang nagkita at muling nabuhay ang career sa pagkanta ni Eva.


Photo and Article by Pep.ph


Blog Widget by LinkWithin Bookmark and Share

No comments:

Post a Comment