Full House Tonight!

Full House Tonight!
Full House Tonight! Saturday Nights after Magpakailanman

Songbird Bulletin!

Songbird Source! on FACEBOOK! Click ME to like!

Saturdays 10:40am after Maynila on GMA7

Full House Tonight
Saturday Nights after Magpakailanman



#R30 #SongbirdTatlongDekada




Custom Search

Sunday, February 16, 2014

Regine Velasquez & Martin Nievera "Voices of Love" Valentine Concert: The Story and Videos 021414 LIVE

Concert King Martin Nievera and Asia's Songbird Regine Velasquez joined forces for the hit Valentine concert Voices of Love last Friday, February 14, at Mall of Asia Arena.
Voices of Love Fb Page CLICK HERE



The two power vocalists treated the audience with their rendition of some of the classic love songs, their hit songs, and some of today's hit songs.

Photos of the concert CLICK HERE


Bagamat nagkasama rin sina Regine Velasquez at Martin Nievera noong isang taon para sa Valentine concert na Foursome—kasama ang mister ni Regine na si Ogie Alcasid at ex-wife ni Martin na si Pops Fernandez—ang Voices of Love ang unang concert na sila lang ang magkasama pagkalipas ng halos sampung taon. Noong 2003 ay ginawa nila ang Martin and Regine: World Concert Tour na lumibot sa iba't ibang panig ng mundo.

Sa kanilang opening number, kinanta nina Martin at Regine ang kanilang hit songs na "You Are My Song" at "You're On The Right Track."

Itinuturing na dalawa sa pinakamahusay na singers sa Pilipinas, at maging sa buong mundo, pinatunayan nina Regine at Martin na wala pa ring makakadaig sa kanila pagdating sa biritan.

Sa kabuuan ng two-and-a-half-hours concert, isa lamang ang naging guest nina Martin at Regine—ang rapper na si Abra. Sinamahan ni Abra sina Martin at Regine sa opening number.

Pagdating daw sa love songs, para kay Martin, wala nang dadaig pa sa mga kanta ni Johnny Mathis. At ito ang nakakatawang impersonation niya sa legendary American singer habang kumakanta ng "Misty."

Si Regine naman ay pinili ang singer-actress-director na si Barbra Streisand na may pinakamarami raw pinakamagagandang love songs. At nagbigay pa nga siya ng ilang linya mula sa kanta nitong "Evergreen."

Nagbigay-pugay rin si Martin sa soul singer na si James Ingram sa pamamagitan ng pagkanta sa ilan sa hit songs nito, gaya ng "Just Once" at "I Don't Have The Heart."

Kinanta ni Regine ang ilang hit songs ng namayapang American singer na si Whitney Houston: "All At Once" at "Run To You". Pagkatapos nito ay nag-duet sila ni Martin para sa kantang "Greatest Love of All."

Kabilang sa duet numbers nina Martin at Regine ay ang "Unchained Melody," theme song ng hit 1990 movie na Ghost.

Pitong beses nagpalit ng gown si Regine sa kabuuan ng concert. Biro nga niya, walang budget ang kanilang show.

Kumanta rin ng ilang current hit songs sina Regine at Martin sa concert kabilang na ang "Wrecking Ball" ni Miley Cyrus at "Story of My Life" ng One Direction. Kinanta rin ni Martin ang ilang hit songs ng singer-songwriter na si Barry Manilow.

Isa sa most-applauded number nina Martin at Regine ay ang duet nila ng kanilang hit songs na "Kahit Isang Saglit" at "Sana Maulit Muli."

Sa isa niyang solo spot number, kinanta ni Regine ang ilang hit songs ni Rihanna: "What Now?", "Diamonds", "We Found Love", at "Where Have You Been."

Isa sa pinaka-memorable moment sa concert ay ang heartfelt but powerful performance ni Regine ng "Where Do I Begin?", theme song ng classic 1971 movie na Love Story...

Dahil sa kanyang performance na ito ay umani ng masigabong palakpakan at standing ovation si Regine mula sa audience.

Ang Voices of Love ay idinirek ni Rowell Santiago, at musical directors naman sina Louie Ocampo at Raul Mitra.

Nag-duet muli sina Martin Nievera at Regine Velasquez para sa kantang "All Of Me" ni John Legend at "Flaws and All" ni Beyonce.

Isang nakatutuwang bahagi ng concert ay nang bumababa sina Martin at Regine sa audience upang pakantahin ang ilang celebrities na nanood sa kanila. Una na ang matinee idol na si Richard Gomez, na walang patumanggang kinuha ang mikropono mula kay Martin at binanatan ang kanta ni Martin na "Say That You Love Me." Ang misis naman ni Richard na si Leyte Representative Lucy Torres-Gomez ay magiliw na kinukunan ang asawa habang kumakanta.

"Napilit" din ni Regine na pakantahin si dating Senator Kiko Pangilinan sa awiting "Ikaw Lang Ang Mamahalin." Ilang sandali lamang, pati ang misis ng dating senador na si Megastar Sharon Cuneta ay nakikanta na rin, na ikinatuwa at ikinakilig naman ng audience.

Hindi rin pinalampas nina Martin at Regine ang pagkakataon na hindi pakantahin ang Journey vocalist na si Arnel Pineda, na nagpaunlak naman ng ilang linya sa iconic Journey song na "Don't Stop Believin'".

Sinimulan naman nina Regine at Martin sa tuksuhan ang pagpapakilala sa nali-link ngayon na sina Erik Santos at Angeline Quinto. Regine: "Hoy, andiyan yung mag-dyowa!" Martin: "Sino?" Regine: "Hindi ko alam, pero parang nagbabalak. Si Boylet nanliligaw, hindi pa sinasagot ni Girl. Alam mo na, pakipot." Martin: "Sino ang pakipot?" Regine: "Hindi ako sure, baka yung tatay o yung nanay." Pagkatapos nito ay nagpaunlak sina Erik at Angeline ng ilang linya mula sa kantang "Hanggang Ngayon," na original song ni Regine at ng mister niyang si Ogie Alcasid.  

Hindi rin siyempre mawawala sa repertoire ang medley ng hit songs ni Martin Nievera: "Please Don't Throw My Love Away", "You Are The One," "Ikaw Ang Lahat Sa Akin," "Be My Lady," "Forever," at "How Can I". Isang standing ovation ang nakuha ng Concert King mula sa audience dahil sa performance niyang ito.

Nagdedicate din ng mga awitin si Martin at Regine para sa World Vision at PLDT Gabay Guro. 
Para naman sa maikling tribute sa namayapang ama ni Regine na si Mang Gerry, sa simula pa lang ng kantang "You" ng Carpenters ay hindi na nakayang kumanta ng Asia's Songbird dahil sa nararamdamang pagdadalamhati.

Kaagad namang nilapitan ni Martin si Regine upang bigyan ng suporta, habang ang back-up singers na lang ang nagpatuloy ng mga kanta para kay Mang Gerry.

Halos dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas nang pumanaw si Mang Gerry, noong February 3, dahil sa cardiac arrest. Inihatid siya sa kanyang huling hantungan noong February 7. Sa lahat ng concerts ni Regine ay palaging present si Mang Gerry, at ito ang unang pagkakataon na wala ang ama ng Asia's Songbird upang manood ng kanyang concert. Nakunan naman ng kamera ang ina ni Regine na si Teresita Velasquez, na nasa audience, habang pinakikinggan ang mga awitin para sa namayapang asawa.

Sa huling bahagi ng tribute para kay Mang Gerry ay nagawa nang kantahin ni Regine ang ilang linya mula "Leader of the Band," na isa isa mga awitin ng Asia's Songbird para sa namayapang ama. "I'm just a living legacy to the leader of the band... I love you, Papa," sabi ni Regine.

Pagkatapos nito ay nagkaroon muli ng solo number si Martin, at kinanta niya ang kanyang OPM songs na "Ikaw Ang Pangarap" at "Ikaw."

Isang hindi malilimutang performance muli ang ibinigay ni Regine dahil sa kanyang cover ng "Let It Go," ang hit song mula sa animated film na Frozen na orihinal na kinanta ni Idina Menzel.

Para sa lahat ng nanood ng concert, sulit ang kanilang pagsuong sa traffic sa Araw ng mga Puso dahil sa ipinamalas na kagalingan sa pag-awit nina Martin at Regine. Kaya naman isang standing ovation ang iginawad ng audience sa kanila.

Ayon kina Martin at Regine, sa loob ng mahabang panahon ay naging matalik na silang magkaibigan na nagdadamayan sa tuwing may pinagdadaanang problema ang isa't isa.

Sa huling bahagi ng concert ay umakyat sa stage ang co-producers ng Voices of Love na sina Anna Puno ng Starmedia at Cacai Velasquez-Mitra (kapatid ni Regine) ng iMusic. Co-presentor naman ang GMA Network.

Here are the videos of the concert uploaded by Qritiko:





 
 ::::::::::::::
  Blog Widget by LinkWithin



info by PEP
videos by Qritiko



  Bookmark and Share

No comments:

Post a Comment