Ginanap ang concert ng apat sa pinakamalalaking pangalan sa larangan ng musika dito sa Pilipinas kagabi, February 14, sa Mall of Asia Arena.
At dahil sa malaking tagumpay ng kauna-unahang pagsasama nila sa isang major concert ay magkakaroon ito ng repeat—sa March 16.
Sa dami ng nagtanghal sa iba't ibang venues kagabi, walang-duda na ang Foursomeang pinakamalaki at pinakamatagumpay sa mga ito.
Napuno hanggang sa kasuluk-sulukan ang Arena at nasiyahan ang lahat sa tatlong oras na pagtatanghal nina Martin, Pops, Ogie, at Regine.
Kaya naman panay ang pasasalamat ng apat dahil sila raw ang pinili ng mga nagpunta sa Arena, sa halip na manood ng ibang concerts o magdiwang ng Valentine's Day sa ibang lugar.
DIFFERENT COMBOS. Iba't ibang putahe ang inihain nina Martin, Pops, Ogie, at Regine sa mga nanood ng Foursome—may solos, duets, at quartet.
Binuksan ng apat ang concert sa pamamagitan ng mash-up ng fast tracks na "I Found You" at "Glad You Came" ng The Wanted.
Sinundan nila ito ng "Dugtungan" kunsaan kailangan nilang dugtungan ang huling salita ng kinanta ng bawat isa. Ginawa raw nila ito upang ipakita kung paano nila pinipili ang mga kantang isasali nila sa concert.
Pagkatapos nito ay binalikan ng apat ang Dekada '80, kung saan lahat sila ay nagsimula sa music industry, sa pamamagitan ng pag-awit ng medley ng ilan sa sumikat na love songs noon.
Ang isa pa nilang group number ay ang medley ng mga kanta na may kinalaman o sumasalamin sa naging relasyon nila—mula sa pagkakakilala, pag-iibigan, paghihiwalay, at hanggang sa posibleng pagkakabalikan.
Isa naman sa nakakatawang bahagi ng concert ay ang pagsisiwalat ng dating mag-asawa na sina Martin at Pops ng kung ano ang nami-miss nila sa isa't isa.
Sabi ni Pops, "I miss Martin so much because of his packing..."
Sagot naman ni Martin, "It's true, I'm a very good packer... I'm a mother packer!"
Umikot na sa salitang "pack" ang usapan ng apat na ikinatawa ng lahat, dahil sa posibleng ibang ibig sabihin nito kung naiba lang ang dalawang letra ng salita.
THE SOLOS. Nagkaroon din ng solo spots ang apat.
Unang nag-perform ang Asia's Songbird na si Regine na kumanta ng medley ng grupong Heart, gaya ng "This Dream", "What About Love", at "Alone."
Ang Singer Songwriter namang si Ogie ay binigyan ng panibagong areglo—ginawang upbeat—ang mga awitin niyang "Sa Kanya" at "Kung Mawawala Ka."
Nagbalik-tanaw naman ang Concert King na si Martin sa tatlumpung taon na niya sa industriya sa pamamagitan ng pag-awit sa kanyang hit songs: "Say That You Love Me", "Kahit Isang Saglit", "Be My Lady", at "Forever."
Habang kumakanta si Martin ay umikot siya sa bandang harapan ng Patron section upang lapitan ang ilang mga nanonood, kabilang na si Richard Gomez na umani ng masigabong palakpakan dahil sa pagkanta ng ilang linya mula sa "Say That You Love Me."
Nagkaroon din ng special participation ang panganay na anak nina Martin at Pops na si Robin, na hindi gaanong kabisado ang lyrics ng "Be My Lady."
Pinatunayan ni Martin ang kanyang pagiging entertainer dahil nagawa pa niyang makipagbiruan sa audience habang inaabot ang ilang matataas na nota ng kanyang mga kanta.
Sinuklian naman ito ng mga manonood ng malakas na palakpakan at hiyawan, at ang iba pa nga ay nag-standing ovation.
Pinatunayan din ni Pops ang kanyang pagiging Concert Queen dahil sa pagpe-perform ng mga bagong dance tunes, gaya ng "Titanium", "You Make Me Feel Good", "Dancing In The Moonlight", "Shot", at "Dance Again."
THE DUETS. Bukod sa kanilang solo numbers ay nagkaroon din ng iba't ibang kumbinasyon ng production numbers ang apat.
Unang nang-duet sina Martin at Ogie, kung saan kinanta nila ang hit songs ng bawat isa.
Kinanta ni Martin ang mga awitin ni Ogie na "Sa Piling Mo", "Kailangan Kita", at "Ikaw Ang Aking Pangarap" (isinulat ni Ogie para mismo kay Martin).
Si Ogie naman ay kinanta ang mga awitin ni Martin na "How Can I" at "You Are My Song."
Kuwela naman ang novelty number ng mag-asawang Regine at Ogie, nang isalin ni Ogie ang version ni Regine ng "Yesterday" sa Tagalog—with BatangueƱo accent.
Sinundan nila ito ng classic songs na nilikha ni George Canseco: "Ngayon At Kailanman" at "Hanggang Sa Dulo Ng Walang Hanggan."
Nagbigay-pugay naman sina Pops at Regine sa '80s icons na sina Cyndi Lauper at Madonna sa pamamagitan ng medley ng mga pinasikat nilang kanta: "True Colors" "Time After Time", "Crazy For You", at "Borderline."
Naging sentimental naman ang duet nina Martin at Pops dahil sa mga awiting sumasalamin sa kanilang relasyon, lalo pa't sa giant screens ay ipinakita ang mga larawan nila noon—kabilang na ang kanilang kasal.
Ilan sa mga kinanta ng dating mag-asawa ay ang mga sumusunod: "Times of Your Life", "Don't Say Goodbye", "Pagdating ng Panahon", "Ikaw Lang Ang Mahahalin", at "After All."
Binanatan naman nina Pops at Ogie ang ilan sa Pinoy disco music, gaya ng "Yugyugan Na", "Sige Sumayaw Ka", "Sumayaw Sumunod", at "Tayo'y Magsayawan."
Sinimulan naman nina Martin at Regine ang theater production segment sa pamamagitan ng pagkanta nila ng "Music of the Night" mula sa Phantom of the Opera.
THE FINALE. Sumunod dito ang pagkanta nina Pops, Ogie, Martin, at Regine ang ilang mga awitin mula sa hit musical na Les Miserables, na ginawan ng movie version kamakailan.
Si Pops ang kumanta ng "Own My Own," si Ogie ang umawit ng "Bring Him Home," si Martin ang bumira ng "Suddenly," at si Regine ang bumirit ng "I Dreamed A Dream."
Ang finale ay ang pagkanta ng apat ng "One Day More" mula pa rin sa Les Miserables.
Pagkatapos ng performance nina Martin, Pops, Ogie, at Regine ay isang standing ovation ang iginawad ng mga nasa loob ng Arena dahil sa husay na ipinamalas nila.
Pero hindi doon nagtapos ang Foursome dahil nagkaroon pa siyempre ng encore.
Kinanta ng apat ang kani-kanilang duet songs: "Bakit Ngayon Ka Lang" nina Pops at Ogie na kinanta nina Martin at Regine, at ang "Forever" nina Martin at Regine na kinanta nina Ogie at Pops.
Tinapos nila ang concert sa pamamagitan ng pagdya-jamming sa ilang upbeat songs.
Ang Foursome ay idinirek ni Rowell Santiago, at musical directors naman sina Raul Mitra at Homer Flores.
Source! PEP.ph/ Martin Nievera, Pops Fernandez, Ogie Alcasid, and Regine Velasquez mount Foursome concert to sold out crowd-Erwin Santiago
FOURSOME The Repeat MARCH 16!
Awarded #21 CNN Travel !!“50 cities, 50 last-minute Valentine's dates.”
vid by Qrtiko
No comments:
Post a Comment