Songbird Bulletin!

Songbird Source! on FACEBOOK! Click ME to like!

Saturdays 10:40am after Maynila on GMA7

Concert:
PLDT Regine Series Nationwide Tour
facebook.com/TheRegineSeriesNationwideTour

R30 Album and Anniversary Concert!
November 2016 Album
December 2016 Concert

#R30 #SongbirdTatlongDekada




Custom Search

Friday, September 14, 2012

Regine on Family Trip to SG, Silver Concert, Nate's Bday and Of All The Things


.........for first meeting of son Nate and Ogie Alcasid's daughters


Isa sa tumatak na eksena sa trailer ng upcoming movie ng Viva Films at GMA Films, ang Of All The Things, ay nang sabihan ni Regine Velasquez si Aga Muhlach ng “Pa-canton ka naman!”


Ang ibig sabihin ng “pa-canton” ay magpapakain ng pancit ang isang tao dahil sa may nangyaring maganda sa kanya o bilang blowout niya. Pero nabibigyan ito ng kakaibang kahulugan dahil sa may katunog itong maselang salita.
Malutong ang pagkakabitaw ng linyang ito ni Regine kaya naman bentang-bentang ito sa mga nakapanood na ng teaser ng pangatlong pelikula nila ni Aga.
Sa second presscon ng Of All The Things kaninang hapon, September 13, sa Citybest restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, ay natanong si Regine tungkol sa “pa-canton” line niya sa pelikula.
Biro naman ng Asia’s Songbird, “Ang lutong, di ba?
“Sanay na sanay akong magpa-canton. Niluluto lang naman yun, a!
“One take lang yun,” pagmamalaki pa niya.
Dagdag naman ng direktor ng pelikula na si Bb. Joyce Bernal, “Kaya ni Regine ibitaw lahat po ng lines na ganun… lahat ng barubal na lines, kayang ibitaw ganun kalakas yung dating.”
Nagtawanan naman ang lahat nang tanungin ni Regine ang direktor niya kung compliment ba yun dahil iba ang dating sa kanya ng sinabi ni Direk Joyce.
Sabi naman ng writer ng pelikula na si Mel del Rosario, kung si Vilma Santos ay may pamosong linyang "Si Junjun..." sa pelikulang Paano Ba Ang Mangarap?(1983), si Regine naman daw ay maaalala dahil sa linya niya sa Of All The Thingsna "Pa-canton ka naman!"
Bulalas naman ni Regine na natatawa: "Ganun ang levelling?"
Ayon kay Direk Joyce, si Aga ang nag-retake sa eksenang iyon dahil “tawang-tawa” ang aktor.
Sa parte naman ni Aga, puring-puri nito ang Asia’s Songbird.
Sabi raw ni Aga kay Regine sa unang presscon ng pelikula nila: “Alam mo, Reg, ikaw, magaling kang artista, hindi ka napapansin. Pero sa pelikulang ito, it’s just right na mapansin ka dahil ang galing mo talaga rito.’”
Dagdag pa ng aktor, “Sa buong pelikula, nakita ko yung trabaho niya, ang galing niya talaga!”
Nagpasalamat naman si Regine nang marinig ang papuri sa kanya ni Aga.
MANHID? Sa unang presscon ng Of All The Things noong nakaraang buwan ay nabuko na nagparamdam si Aga kay Regine noong ginagawa nila ang kanilang unang pelikula—ang Dahil May Isang Ikaw (1999).
Pero hindi nagawang sabihin ni Aga ang kanyang nararamdaman noon para sa Asia’s Songbird.
Sa presscon kaninang hapon ay muling tinanong si Regine kung bakit hindi niya napansin ang pagporma sa kanya noon ni Aga.
Sagot ng singer-actress, “E, bata pa ako nun, malay ko ba! Bagets pa naman ako nun.
“At saka parang nakakahiya namang mag-assume, di ba, kasi hindi naman nagsasalita.
“Alangan namang ako ang magtanong, ‘Uy, may gusto ka sa akin!’
“That was never my… hindi ko talaga personality yun. I’m never like that.”
Dagdag niya, “Kahit sino, kahit tumambling pa sa harap ko, hindi lang siya…
“Sabi nga ng kapatid ko, ‘Ang tanga-tanga mo!’ Sabi ko, ‘Ganun?’
“Kasi laging kong sinasabi, ‘Bakit walang nanliligaw sa akin?’ ‘Kasi tanga ka.’
“Hindi niya kasi sinabi sa akin agad. Hindi naman siya nagpa-cute pa-cute lang.”
May pagka-manhid ba siya?
Sagot ni Regine, “Hindi naman, hindi naman sa manhid. I think hindi ko lang yung type yung ganun.
“Saka lagi kong iniisip na parang, ‘Bakit ako magugustuhan…?’ Ganun kasi lagi ang thinking ko.”

FIRST BIRTHDAY. Sa November 8 ay magdiriwang na ng kanyang unang kaarawan ang panganay na anak nina Regine at Ogie Alcasid na si Nathaniel o Nate.
Ayon kay Regine, ngayon pa lang ay inaayos na niya ang magiging birthday party ng anak.
Kuwento niya, “Kanina, katatawag ko nga lang sa party planner. Inaayos ko na ngayon…

“May movie, sabay pa yun sa concert ko, that’s why I have to fix everything now—dapat ma-set up ko na lahat.“Medyo nai-stress ako ng konti kasi malapit na ‘yon.
“Although naka-set up naman na. Okay na yung lugar, mga little things lang…”
Ano naman ang theme ng first birthday party ni Nate?
“Yung theme, Boy Pick-up!” natawang sagot ni Regine bilang pagtukoy sa popular na role ng mister niyang si Ogie sa telebisyon at pelikula.
Habol pa niya, “Bakit hindi, di ba, e, tatay naman niya si Boy Pick-up.”

SINGAPORE. Sa susunod na linggo ay lilipad patungong Singapore sina Regine, Ogie, at Nate para sa isang bakasyon.
Doon na rin unang magkikita-kita ang mga anak ni Ogie sa una niyang asawa na si Michelle Van Eimeren, sina Sarah at Leila, at ang anak nila ni Regine na si Nate.
Ayon sa Asia’s Songbird, “First time makikita ng girls si Nate so we’re very excited, actually.
“Excited akong makita nila kasi, siyempre, kapatid nila yun, e. Saka excited din sila to see him.
“Hindi ko alam kung may itinerary na kasi parang kina-career ng asawa ko yun, e. So, hindi ko pa alam.
“Sabi niya dun sa mga anak niya, ilista nila what they want to do para pagdating namin dun, may itinerary na kami.
“It’s better kasi to have kahit papa’no may ganun para may sinusundan ka, hindi yung kalat-kalat kayo.”
Kasama raw nina Leila at Sarah na pupunta sa Singapore ang kanilang ina na si Michelle.
Sabi pa ni Regine, “Ang hindi lang yata makakasama si Mark [Morrow], yung husband ni Michelle…
“Although I’m not sure, I think it’s just the three of them.”
“Oo, nag-uusap… especially nung buntis ako kasi ang dami kong pinagdadaanan.Madalas pa ba silang nag-uusap ni Michelle?
“Pero lately, hindi na kasi medyo busy, hindi masyadong maano.
“Pero yun naman, magkikita naman kami sa Singapore next week. So, yun na lang ang catching up namin,” saad ni Regine.
SILVER ANNIVERSARY CONCERT. Sa November 16 naman ay gaganapin ang 25th anniversary concert ni Regine, aptly titled Silver, sa Mall of Asia Arena.
Si Rowell Santiago ang magdidirek nito, samantalng ang musical directors ay sina Ryan Cayabyab at Raul Mitra.
Hands-on ba siya sa concert niyang ito?
Ayon kay Regine, “Medyo, pero sinabi ko na kung ano'ng gusto kong gawin.
“Yung mga iba, may mga from the past concerts, medyo may makikita silang excerpts pero done in a different way.
“But I’m definitely singing all the songs I’ve recorded in the past—yung mga naging hits.”
May mga bago ba siyang gagawin?
“Siyempre kailangang medyo updated naman.
“Kaya lang kasi, mas gusto kong kumanta, e.
“So, siyempre, parang hindi na rin masyadong age-appropriate yung… magsasasayaw pa ba ako do’n?
“That was never my strength and we all know that. So, magpakatotoo na lang tayo. “Kung saan yung strengths ko, doon na lang ako.
“Although you will see little bits of… may konting surprises here and there, but it’s a concert, so kantahang bonggang-bongga!”
Apat lang daw ang magiging guests ni Regine sa concert at puro ito lalake.
Bagamat hindi pa niya mai-reveal kung sino ang mga ito, lahat daw sila ay may kinalaman sa kanyang career.
Source! PEP.ph/ VIVA Entertainment for the photo


Blog Widget by LinkWithin Bookmark and Share

No comments:

Post a Comment