Songbird Bulletin!

Songbird Source! on FACEBOOK! Click ME to like!

Saturdays 10:40am after Maynila on GMA7

Concert:
PLDT Regine Series Nationwide Tour
facebook.com/TheRegineSeriesNationwideTour

R30 Album and Anniversary Concert!
November 2016 Album
December 2016 Concert

#R30 #SongbirdTatlongDekada




Custom Search

Monday, May 21, 2012

Jessica Sanchez, mala-Regine ang hagod ng awit

Blog Widget by LinkWithin
Natanong si Ogie Alcasid sa last shooting day ng Boy Pick-Up: The Movie tungkol sa pagkakapasok ng Pinay-Mexican na si Jessica Sanchez sa finale ng American Idol Season 11. Makakalaban sa ­finale ni Jessica ay si Phillip Phillips.

Sa huling performance nga ni Jessica ay inawit niya ang I Don’t Wanna Miss A Thing ng Aerosmith at kapansin-pansin na pareho ang naging hagod ni Jessica sa rendition ni Regine Velasquez nang awitin niya ang same song na may ilang taon nang nakakaraan.


Natuwa si Ogie dahil kung totoong naging basehan ni Jessica ang style na pag-awit ng kanyang ­misis, isang malaking karangalan iyon para sa lahat ng mga OPM singers sa bansa.


“Meron din daw si Jessica na YouTube video na kinakanta niya ‘yung song na Ikaw. Very Regine din daw ang pag-awit niya.


“Kung ang misis ko nga ang nagiging inspiration niya sa kanyang pag-awit ng mga songs na iyon, then we are very proud of that.


“Ilang singers na rin ang nagsasabi na paborito nila si Regine and her style of singing is something na gusto rin nilang magawa sa mga performances nila.


“It’s an honor for all OPM singers na isang may dugong Pinoy na ang nakarating sa finale ng American Idol.


“Kahit hindi siya lumaki sa Pilipinas, makikita mo na nasa personality niya ang pagiging isang Pinoy. Du’n pa lang, pinagmamalaki na natin si Jessica.


“We wish her luck and if Jessica wins the title of American Idol, isang ma­laking karangalan ‘yan para sa ating mga Pinoy.


“It only proves na ang talent ng Pinoy ay kakaiba at ang suporta na binibigay ng kapwa Pinoy natin kahit saang parte sa mundo ay sobrang lakas.”
  Source! Abante Online/ Ruel Mendoza




Dailymotion/ aeronlisud

  Bookmark and Share

No comments:

Post a Comment