Songbird Bulletin!

Songbird Source! on FACEBOOK! Click ME to like!

Saturdays 10:40am after Maynila on GMA7

Concert:
PLDT Regine Series Nationwide Tour
facebook.com/TheRegineSeriesNationwideTour

R30 Album and Anniversary Concert!
November 2016 Album
December 2016 Concert

#R30 #SongbirdTatlongDekada




Custom Search

Tuesday, January 31, 2012

Regine Velasquez Updates (Last Week of January)

Blog Widget by LinkWithin
 Regine Velasquez-Alcasid on her voice after giving birth: "You know, it's a good thing doing yoga before and after giving birth kasi hindi ako nanibago. Kasi ang kanta naman, ang pagkanta, nasa breathing, e. Iyon yung importante. Kasi yung pagbuga mo ng boses, iyon yung importante, e. So, I'm really okay naman. Yung tone ko, medyo parang... hindi ako nahihirapan mag-hit ng high notes."
 Muling humarap sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez kaninang tanghali, January 30.

Ito ay kaugnay ng Valentine concert nila ng asawa niyang si Ogie Alcasid, Mr. & Mrs. A, na gaganapin sa February 14 sa Araneta Coliseum.

Ginanap naman ang solo presccon ni Regine kanina sa El Buono Pizza restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

FIRST CONCERT AS MARRIED COUPLE. Ano ang bagong mapapanood sa Mr. & Mrs. A?

"Wala lang wala namang difference, kantahan din naman yun!" sabay tawa ni Regine.

"Hindi, kasi first of all, we haven't been working in a concert together in a long while, after nag-asawa kami.

"Actually, yung ano namin, yung [last] concert namin, hindi pa kami umaaamin nun, e, di ba? Yung Songbird and the Songwriter [2004].

"Tagal na nun, e!"

Ikinasal sina Regine at Ogie noong December 22, 2010.

Patuloy pa ng Asia's Songbird, "Exciting ngayon, kasi nga, it was my idea to do a concert talaga.

"Yung husband ko, sabi niya, 'Are you sure? Kasi kakapanganak mo pa lang.'

"Sabi ko, 'But I want to talaga kasi I miss it.'

"And that's the whole idea, na after giving birth, 'tapos mag-asawa na kami, we have a child, parang...

"Iyon yung kaibahan, kasi it's exciting and then we're working together.

"Mas personal ngayon, e, unlike before yung concert namin, parang...wala lang.

"Ngayon kasi, it's more personal.

"And I hope that our audience will appreciate it kasi, yun na nga, mas makikita nila yung other side of Ogie and myself."

Less daring na ba siya sa concert na ito? Gaya sa mga gown na isusuot niya na dati ay may plunging neckline o backless?

"Pag pumayat na ako siguro. Pero parang hindi na rin bagay kasi hindi na rin ako ganung kabata, I mean..."

THE VOICE. May napansin ba siyang pagbabago sa boses niya matapos niyang manganak?


"You know, it's a good thing doing yoga before and after giving birth kasi hindi ako nanibago.

"Kasi ang kanta naman, ang pagkanta, nasa breathing, e. Iyon yung importante.

"Kasi yung pagbuga mo ng boses, iyon yung importante, e.

"So, I'm really okay naman.

"Yung tone ko, medyo parang mas manipis than before."

Mas tumaas?

"Hindi ko sure, pero parang hindi ako masyadong nahihirapang mag-hit ng high notes.

"Parang okay siya, kasi nga yung breathing ko normal, e. So, thank God for yoga.

"Hindi naman siguro mas tumaas yung boses ko, pero yung regular pa rin," saad ni Regine.

Napag-usapan din namin ang tungkol sa sakit ni Regine noon pa na migraine.

Hindi ba ito nawala noong nanganak na siya kay Nathaniel James or Baby Nate?

"Hindi, hindi nawala, kaya sa umaga I really try to sleep," sabi niya.


MEETING DAVID ARCHULETA. Ikinuwento rin ni Regine ang pagkikita nila kagabi, January 29, ng American Idol Season 7 runner-up na si David Archuleta.

Nasa Pilipinas ngayon si David para sa mini-serye ng TV5 na Nandito Ako.

Ayon kay Regine, "Yeah, we went...pumunta kami sa recording niya. He has such a nice voice!"

Bakit sila pumunta ni Ogie sa recording ni David?

"E, kasi gusto niya daw kami ma-meet. Parang ganun.

"'Tapos, 'kinukuwento niya sa akin, when he was 16 daw, first time niyang nakita sa Internet, sa YouTube...

"Kasi, parang isa ako sa parang nasa unahang ano, so klinik niya ako and I was singing 'Butterfly.'


"'Tapos, ever since daw, he kept on...paulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit daw niyang pinapakinggan yung version ko.

"'Tapos nag-research na siya, na kay Mariah Carey nga yun, 'tapos paulit-ulit-ulit-ulit-ulit din niyang pinakinggan yung kay Mariah.

"Hanggang sa naging favorite daw niya yung 'Butterfly.'

"'Tapos, he kept watching daw other videos of mine.

"So, even before Idol, natutuwa na daw siya sa akin.

"Actually, nung nakita namin siya, sobra siyang excited, nakaganun lang siya, parang na-shock siya!

"Oo, tawang-tawang kami!" natatawa ring kuwento ng Asia's Songbird.

Alam daw ni David na mag-asawa sina Regine at Ogie, at kakapanganak lang ni Regine.

"Sabi niya, 'Yeah I know, where's the baby?' 'Tapos ipinakita ko yung pictures [ni Baby Nate].

"'Tapos, parang mahiyain siya, ang cute-cute niya!

"Mahiyain siya, 'tapos para siyang stunned, nakaganun lang siya.

"Ikinukuwento niya kung paano niya ako na-discover, kasi nagtataka ako, 'How come you know me?' 'Tapos pati si Ogie."

Nag-jamming pa nga raw silang tatlo ng kanta kagabi.

"Oo, tuwang-tuwa siya."

"Wherever You Are" daw ang kinanta nina Regine at David.

"Nandito Ako" naman ang kinanta nina Ogie at David.

"Ang cute ng kanta nila! Ang ganda, nakakatuwa, nakakatuwa, nakakakilabot!

"'Tapos yung asawa ko, proud na proud.

"Si David, hiyang-hiya siya kasi, siyempre, original si Ogie [na kumanta ng 'Nandito Ako'].

"Tuwang-tuwa siya."


Ayon kay Regine, maganda raw ang version ni David ng "Nandito Ako."

"Ang ganda! 'Tapos parang Pinoy.

"'Tapos, sabi ko sa kanya, 'Who taught you how to ano...' Kasi ang ganda ng pronunciation niya ng Tagalog.

"Sabi nung RM [road manager] niya, 'No one, no one taught him.'

"Meron daw siyang coach when he was going to record it, pero konting-konti lang yung kinorek.

"Pinakinggan lang daw niya nang pinakinggan, ano lang, by ear lang.

"Ang galing!"

Humingi pa raw ng tips sa acting si David.

"Nakakatuwa nga, e, kasi he also knows na Ogie and I are actors here.

"So, nanghihingi siya ng advise kung paano bang maging ano. Kasi sabi niya, parang siya daw, self-conscious siya, parang hindi niya iisipin na umarte.

"Pero ngayon daw, nae-enjoy na niya. Sobra na niyang na-enjoy."

Mga isa't kalahating oras daw tumagal ang pagbisita nilang mag-asawa kay David.

Pero malamang ay wala na si David dito sa bansa pagdaos ng concert nina Regine at Ogie sa February 14.

"Sabi nga namin, sayang hindi siya makakanood.

"Sabi niya, 'Really, you have a concert? It would have been nice to watch!'

IZA'S TRANSFER. Naitanong din ng PEP kay Regine ang tungkol sa paglipat ni Iza Calzado sa ABS-CBN.

Matatandaang si Iza ang pumalit kay Regine sa primetime show ng GMA-7 na I ♥ You Pare nang mabuntis ang Asia's Songbird.

Bilang siya ang itinuturing na reyna ng GMA-7, ano ang masasabi ni Regine na may Kapusong lumipat sa Kapamilya network?

"Hindi ako reyna ng GMA, di ba, si Marian [Rivera]," unang reaksiyon muna ni Regine.

Pero aniya, "Actually, alam mo, nagulat ako, hindi ko alam, nagulat ako!


"Sabi ko, 'Ha?! Umalis si Iza?'

"Somebody told me na lumipat na si Iza, pero akala ko, 'Hmmm, tsismis lang 'yan.'

"And then, nakita ko sa ASAP na nga, 'Ay!' Parang iyon na nga yung patotohanan.

"I've been asking my husband, sabi ko 'Hon...' I mean, I'm not asking, but I kept telling him na 'Lumipat daw si Iza sa Channel 2.'

"Sabi niya, 'Ay naku, matagal na 'yan.'

"'They kept saying that,' sabi ko.

"But in my head, hindi ko pinaniwalaan, hindi ko tinatanggap.

"Alam mo yung baka naman hindi, parang baka tsismis lang.

"So, nung nakita ko sa ASAP, parang 'Aba! Oh, my God! Lumipat nga siya!'

"Nalungkot ako."

Matatandaan na si Regine ay muntik na ring lumipat sa ABS-CBN noong 2008. Pero sa huli ay nagdesisyon siyang manatili sa GMA-7.

Source! -PEP.Ph




Bookmark and Share

No comments:

Post a Comment