Songbird Bulletin!

Songbird Source! on FACEBOOK! Click ME to like!

Saturdays 10:40am after Maynila on GMA7

Concert:
PLDT Regine Series Nationwide Tour
facebook.com/TheRegineSeriesNationwideTour

R30 Album and Anniversary Concert!
November 2016 Album
December 2016 Concert

#R30 #SongbirdTatlongDekada




Custom Search

Tuesday, December 20, 2011

Regine 's Breastfeeding Advocacy. With the Help of Susan and Amalia!

Blog Widget by LinkWithin "Mataimtim na dasal po ang ialay natin sa mga kababayang nasalanta ng bagyo. Kung mayrun kongting extra baka pwede po nating itulong. Ty po"  -Regine


We offer our prayers to the victims of Bagyong SENDONG... 

HELP Mindanao - For Online Donations: http://www.redcross.org.ph/donatenow 

For Text Donations Type RED and send it to 4143 for Smart or 2899 for Globe 

HELP MINDANAO- For Cash/Check Donations: Acc Name: Philippine Red Cross, Bank Name: BDO, Peso Account: 453-0018647, Type of Account: Savings

 :::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

Lumalabas ang pagiging kikay at babaeng bakla ni Regine Velasquez sa kanyang mga tweet, na karamihan ay nakakatuwa.
‘Good Nate’ ang bati niya sa Twitter followers niya tuwing gabi sa halip na Good Night.
‘Nate’ ang pala­yaw ng baby nila ni Ogie Alcasid na si Nathaniel James (na pinanganak nu’ng Nobyembre 8).
Madalas mag-tweet ang 41-anyos na Songbird na sumasakit ang ulo niya sa puyat dahil sa pagpapadede kay Baby Nate.
“Si Nate, si Nate. Lagi na Lang si Nate. Si Nate na walang malay. Si Nate na walang ibang gustong gawin kundi dumede!!!
“Si Nate, si Nate!!!!!! :-D” ang tweet ni Regine na tipong spoof ng dialogue ni Ate Vi sa pelikulang Saan Nagtatago ang Pag-ibig?.
Sey niya pa sa Twitter, “Hi, guys. Yes, gising pa Lola n’yo. OMG. Parang pati yata kaluluwa, eh dededehin na ng anak ko!!!!!!!!!!!! :-D”


“Malapit ko na makalimutan kung sino ako, anong pangalan ko, saan ako nakatira, sino ako sa puso mo, sino ako sa buhay mo??????!!!!!!!!! :-D”
May hirit din siya na ganu’n daw pala ang feeling ng mga baka (cow) na ginagatasan.
“Buti na lang, majonders na akech. Kasi sa totoo lang, ha? Nalulungkot na si Susan at si Amalia. :-D.
“Sa mga nagtatanong kung sino si Susan at Amalia, helow, eh sila ang katulong sa pagpapalaki kay Nate. Gets n’yo na?????!!!!!! :-)” beking-beking tweet pa ni Regine.
‘Susan’ at ‘Amalia’ ang tawag ni Regine sa kanyang magkabilang dibdib na naglalaman ng masaganang gatas na dinedede ni Baby Nate.

Kahit may mga ganu’n siyang emote ay may tweet din ang mi­sis ni Ogie na, “Ang sarap maging nanay :-)”
Heto pa ang mga kuwelang tweets ng doting mom na si Regine..
“Sana totoong nakakapayat ang breastfeeding.
“Kasi sa lakas ni Nate dumede, baka bukas, super sexy na ako.:-)

“Go, breastfeeding! Itong anak ko, pagtapos magdede, parang pagod na pagod.

“Parang pinag­hugas ko ng plato o pinagsaing ko.
“Bumili ng patis sa kanto o pinag-araro ko. Todo ang pagod niya, eh.
“Ako naman, luray-luray na. Si Susan at si Amalia, dryness na. Wala nang kabuhay-buhay.:-)
“But the truth is, I love breastfeeding. Only us women can do this. Amazing!!! Ang galing ni God.:-)
“Ang sarap gumi­sing na ikaw ang kailangan niya. Siyempre kung hindi, gutom siya, ‘no!!!!!!!!
“We woke up and he’s communicating with us!!

“Siyempre, hindi namin nakunan bilang nataranta kaming mag-asawa. Hahaha!!!! CUTE ni Nate:-D”
Kahapon ay may tweet si Regine na, “Malapit na pala ang anniv namin.
Parang kailan lang, ngayon may Nate na kami.:-) Thank you Lord for my wonderful husband and my beautiful baby.”

 

Sa Huwebes (Dis­yembre 22) ang first wedding anniversary nina Regine at Ogie.

Source! Allan Diones of ABANTE
Bookmark and Share

No comments:

Post a Comment