Full House Tonight!

Full House Tonight!
Full House Tonight! Saturday Nights after Magpakailanman

Songbird Bulletin!

Songbird Source! on FACEBOOK! Click ME to like!

Saturdays 10:40am after Maynila on GMA7

Full House Tonight
Saturday Nights after Magpakailanman



#R30 #SongbirdTatlongDekada




Custom Search

Monday, October 3, 2011

Regine Velasquez wants to be a hands-on mom, still unsure of showbiz return after giving birth

Tila nawiwili si Regine Velasquez sa pagiging homebody ngayon dahil sa kanyang pagbubuntis. Ayon sa Asia's songbird, depende ang kanyang showbiz comeback sa kanyang pangangatawan.

Marami ang natuwa nang masilayan si Regine Velasquez sa mini-concert at launch ng Ogie Alcasid OPM fragrances ng Bench noong September 30 sa SM Mall Of Asia. Bihira na kasing makita ng publiko ang songbird mula nang i-anunsyo nito ang pagbubuntis niya noong Abril sa programang Party Pilipinas. Miss na miss na nga siya ng kanyang fans.

Pero nami-miss ba ni Regine ang showbiz? "Hindi masyado," bulalas ng multi-awarded singer. "Of course, I miss hosting. I miss singing. I miss performing. Pero at the same time, I also like the rest that I've been getting now. "Kasi I realized, you know, since I started, I never really rested.

In all my 25 years [in showbiz], I never really rest. "So it's only now that [I am doing it]. So I'm enjoying it. But medyo naiinip kaya ako pinapasyal ng asawa ko." Nabanggit ni Regine na madalas silang namamasyal sa mall ngayon ng asawang si Ogie bilang pampalipas oras. "I'm advised naman to walk around, e. Pero ngayon medyo hirap na kong maglakad, e," kuwento ni Regine. Halos walong buwan na ang kanyang ipinagbubuntis at inaasahan siyang manganak by December.

Pinag-uusapan pa nila ng kanyang asawa kung ano'ng petsa iluluwal ang batang papangalanan nilang Nathaniel James. Caesarean kasi ang magiging delivery ni Regine kaya pwede nilang piliin ang magiging birth date ng anak. Sobrang excited na nga ang mag-asawang Alcasid na makita ang kanilang baby. Subalit wala silang gaanong paghahandang ginawa para sa pagdating ng bata. Makailang beses na daw kasing nabigyan ng baby shower si Regine ng kanyang mga kaibigan. Hindi na rin daw sila nagpagawa ng nursery room para sa bata. "He's gonna stay with us so hindi na kami nagpagawa ng nursery. Hindi naman niya magagamit so hindi na lang. Practical lang," aniya. Dagdag pa ni Regine, "Hindi kami kukuha ng yaya. Ako muna, kasi parang sayang naman 'di ba? Formative years 'yon, e. "Saka sandali lang 'yon. Sayang naman. So, although sinasabihan ako ng asawa ko na 'Mahihirapan ka. Mahihirapan ka.' Pero ina-anticipate ko na."

Ukol naman sa pagbabalik-showbiz matapos manganak, ito ang naging pahayag ni Regine:

"Depende. I want to breastfeed [him]. If my body mag-ano naman siya, yung umayon naman sa 'kin, and if I lose all the weight that I've gained, then I will be back."

More photos of the said event CLICK ME

Source! PEP.ph/ photo by Abante




Blog Widget by LinkWithin Bookmark and Share

No comments:

Post a Comment