Songbird Bulletin!

Songbird Source! on FACEBOOK! Click ME to like!

Saturdays 10:40am after Maynila on GMA7

Concert:
PLDT Regine Series Nationwide Tour
facebook.com/TheRegineSeriesNationwideTour

R30 Album and Anniversary Concert!
November 2016 Album
December 2016 Concert

#R30 #SongbirdTatlongDekada




Custom Search

Wednesday, March 9, 2011

Regine Velasquez-Alcasid now out of danger after bout with bronchitis, says her husband Ogie Alcasid

Sa kalagitnaan ng taping niya ng GMA-7 primetime series na I ♥ You Pare noong February 28 ay isinugod sa ospital si Regine Velasquez-Alcasid.

Bronchitis ang itinuturong dahilan ng pagkakasugod sa ospital sa Asia's Songbird.

Tatlong araw na-confine si Regine sa Makati Medical Center dahil sa karamdamang nakuha raw niya mula sa allergic reaction sa alikabok at usok.

Ayon sa latest update na nakuha ng Showbiz Central mula mismo sa kapatid ni Regine na si Cacai Velasquez-Mitra, nakalabas na raw ng ospital ang singer-actress ngunit pinayuhan siya ng doktor na magpahinga muna.

Siyempre pa, nag-alala nang husto para kay Regine ang mister niyang si Ogie Alcasid.

Kahapon, March 6, ay live na nag-guest si Ogie sa Showbiz Central upang siya mismo ang magbigay ng update tungkol sa tunay na kalagayan ni Regine.

Tinanong siya ng co-host ng programa na si Pia Guanio how scary was the incident nang isugod sa ospital ang kanyang asawa.

"Actually, medyo nag-aalala na ako... A couple of days na kasi na hindi na maganda yung ubo niya, e. Kunwari lang hindi ako nag-aalala, but I was a bit worried.

"Actually, naka-schedule naman siyang magpa-checkup ng Monday, pero hindi na siya talaga makatayo. Kasi virus 'yan, e.

"So, pagdating niya ng ospital, nasa taping naman ako ng Bubble Gang, tumawag siya. Tapos sabi niya, mako-confine na nga siya. So, since Monday, doon na kami. Natulog na ako doon, at Wednesday [March 2], she was already out.

"But she's okay now, ha, okay na si Regine. She suffered from bronchitis, ubo siya nang ubo. But now she's medyo recovered na siya," kuwento ni Ogie.

Ito ba ay isang recurring health problem ng Songbird?

"Hindi naman, hindi naman," sagot mg singer-songwriter. "Kaya lang, palagay ko, may... Hindi ba ninyo napapansin, parang medyo malamig nitong mga panahon na ito? So, siguro yung change of weather na yun, e, may dinalang virus.

"I'm sure nakakarinig rin ako na marami sa atin ang may viral infection, kung anu-ano man and byproduct of that I believe is bronchitis. Baka mali ako, mga doktor ha, pero 'yon ang pagkakaalam ko.

"So, mag-iingat po kayo. Kung maaari huwag muna kayong maglalabas sa maraming mga tao siguro, di ba?"

Dagdag pa ni Ogie, "Babalik na siya sa trabaho. Three days siya sa ospital, pero one week siyang nagpahinga. At tonight, nasa TriNoMa na siya, kumakanta na siya [for a mall show].

"E, siyempre, first and foremost, singer ang asawa ko, di ba? So, siyempre kailangang pangalagaan niya ang boses niya.

"But she's fine. Nagpapasalamat po kami sa lahat ng mga... Kasi maraming nagtu-tweet hindi ko naman masagot. Sa Facebook, hindi ko rin masagot. But she's okay now.

"Dun po sa mga nag-worry, nagdasal, maraming salamat sa inyo, she's okay now. At magte-taping na siya ng I ♥ You Pare. So, tuloy na yun, tuloy na yun."

Source! PEP - Tuesday, March 8




Blog Widget by LinkWithinBookmark and Share

No comments:

Post a Comment