PNS -- ITINANGHAL na pangulo ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) si Ogie Alcasid after ma-nguna sa bilangan ng mga ibinotong board of directors ng samahan.
Panalo rin bilang internal vice president si Gary Valenciano, external naman si Noel Cabangon habang si Christian Bautista ang vice president for special program.
Magkakaroon ang bagong set of officers ng OPM, siyempre sa pangunguna ni Ogie, ng oath taking sa MalacaƱang ngayong August 13 with no less than President Noynoy Aquino bilang kanilang inductee.
Isa sa layunin ni Ogie na mapagbuklod ang lahat ng professional singers sa bansa. Kailangan lang nilang magrehistro sa kanilang opisina at magbayad ng yearly dues na P1,000.
Tinatawagan din ni Ogie ang lahat ng singers sa bansa na ang source of income ay ang pagkanta kahit ang gig ay sa maliit na bar sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
Say ni Ogie, kailangan na magkaisa sila para ipaglaban ang kanilang karapatan bilang organisasyon ng mga mang-aawit sa Pilipinas.
Hihingi rin daw sila ng tulong sa TV networks, radio at iba pang media para mai-promote nang husto ang kanilang mga awitin. -Philippines Today
more photos HERE
vid by MO13AS
Congrats to you all. You are my all time favorite OPM singers
ReplyDelete