Wednesday, February 5, 2014

Regine Velasquez UPDATES: Mang Gerry's Death, Voices of Love Concert and more

Pinatunayan ni Regine Velasquez ang kanyang pagiging propesyunal sa trabaho sa pamamagitan ng pagsipot sa kanyang showbiz commitments sa kabila ng pagdadalamhati sa pagyao ng amang si Mang Gerry. Nang sandaling bawian ng buhay si Mang Gerry ay nasa presscon ng kanyang Valentine concert si Regine. Kinabukasan ay sumipot pa rin siya sa rehearsal para sa concert nila ni Martin Nievera. #RIPMangGerry

Blog Widget by LinkWithin Bookmark and Share
Maraming Salamat at Paalam, Gerardo 'Mang Gerry' Velasquez. CLICK HERE
Muling napatunayan ang pagiging professional ni Regine Velasquez pagdating sa trabaho dahil nang sandaling nasa ospital ang kanyang ama na si Gerardo Velasquez ay sumipot pa rin siya sa presscon ng Valentine concert nila ni Martin Nievera, ang Voices of Love, noong Lunes, February 3.
At habang nasa presscon nga si Regine ay binawian ng buhay si Mang Gerry, 1:39 ng hapon, sa The Medical City.
Sa kabila nito ay magiliw pa ring sinagot ng Asia's Songbird ang lahat ng mga tanong ng press sa kanya.
Sinabi pa nga niyang umaasa siyang bumuti ang kalagayan ni Mang Gerry at mapanood pa nito ang kanyang concert.
Ngunit nang bumalik sa hospital si Regine ay hindi na niya naabutang buhay ang ama.
Kahapon naman, February 4, Martes, sa kabila ng labis na pagdadalamhati ay sinipot pa rin ni Regine ang rehearsal nila ni Martin para sa concert.
Ni-repost pa nga sa Instagram ni Rey LaƱada, handler ng mister ni Regine na si Ogie Alcasid, ang larawan nina Regine at Martin habang nagre-rehearse.
May caption itong: "We admire Regine’s strength and professionalism during this difficult time. At the rehearsals today of Voices of Love… the show must go on…"
Nakaburol ang mga labi ni Mang Gerry sa Manila Memorial Park, sa Plaridel, Bulacan.
Sa Biyernes, February 7, naman ihahatid sa kanyang huling hantungan ang pinakamamahal na ama ni Regine.
VALENTINE CONCERT WITH MARTIN. Sa presscon ng Voices of Love—na gaganapin sa February 14, sa MOA Arena—nabanggit ni Regine na labindalawang taon na ang nakalilipas nang huli silang magkaroon ng concert ni Martin na silang dalawa lang.
Bagamat nagkasama rin sila sa isang Valentine concert noong 2013, ang Foursome, kasama nila rito ang mister ni Regine na si Ogie Alcasid at ang ex-wife ni Martin na si Pops Fernandez.
Sabi ni Regine, “So, ngayon, kaming dalawa lang.
"Actually kasi, noong ginawa namin ang Foursome, people got excited.
"That was successful dahil, 'di ba, nag-repeat pa kami? E, ang laki ng MOA!
“It was a very successful run, it was a very successful concert. 
"'Tapos, after nun, people got excited na, 'Baka puwedeng kayo ulit ni Martin.'
"So, parang noong finally in-announce namin, ang daming fans na sobra silang excited.
“Sa sobra nilang excited, ang dami nilang requests, nakakaloka!
"'Ano bang kakantahin natin?' Marunong pa sa director!" biro niya.
Patuloy ni Regine, “Pero actually, we’re also excited, kasi nararamdaman din namin ang excitement ng mga tao.
"And as we all know, as a performer, we draw our inspiration, our energy sa audience, so ang sarap ng ganun."
CHANGES. Pagkatapos ng labindalawang taon, ano ang mga bagong makikita o mapapanood sa pagsasama nilang muli ni Martin sa isang concert?
“Wala naman!” natatawang biro ni Regine.
“Siyempre, a lot have changed since we last worked with each other.
"First or all, the last time we worked with each other, we were both... well, ako lang pala ang single.
"He was some kind of singleish—that’s a new word.
“But I was single, pero actually, nagtatawagan na kami ng dyowa ko [Ogie] noong mga time na yun.
"Huwag niyo na lang i-compute!” biro ulit niya.
Patuloy ni Regine, “A lot of things, like, I’m a mommy na.
"Kasi, alam niyo, as a singer, kapag may nababago sa buhay niyo, pati performance mo, iba na.
"The way you attack a particular song, kapag kinakanta mo ngayon, it’s different.
"So, nagkakaroon ng bagong perspective, inspiration... so a lot of things have already changed.
“And I’m sure, hindi lang emotionally as performer, but physically as performer.
"As we all know, siyempre we’re twelve years older, but I can say, batak pa rin kami.
"Kahit ako, excited ako.
"Kasi, after kong manganak, mabuntis, mga two years din akong namahinga—and all I wanted to do is to sing.
“I have this newfound excitement in doing concerts.
"Kaya ang sarap, ang sarap na I’m singing again."
MORE ACTIVE. Ayon kay Regine, nakikita niyang mas magiging aktibo ang career niya ngayon kumpara noong maipanganak niya ang anak nila ni Ogie na si Nate.
“Last year, active na rin ako, pero parang this year, parang nagpu-full time na ako.
"At kung meron man na ibigay, like yung asawa ko, nasa restaurant business, nakikinig na lang ako dun.
“Mas mabuting I partner na lang with people that I trust and love, like my sister and my husband.”
OGIE'S VALNETINE CONCERT. Kapansin-pansin naman na nbinabanggit at pinu-promote din ni Regine sa kanyang Instagram account ang concert ni Ogie, ang Samahan Ng Walang Ka-Valentine, na gaganapin naman sa Music Museum.
Ito ay sa kabila ng magkasabay ng araw ang concerts nila, sa February 14. 
Biniro tuloy si Regine kung mas mabenta ba ang ticket sales ng concert nila ni Martin, kaya kailangan pa niyang i-promote din ang concert ni Ogie.
Sagot naman ng Songbird, “E, siyempre, yun ang dyowa ko, ‘no!
“Hindi, actually, sabi ko nga sa kanya, malakas kasi ang benta ng sa kanila, kaya sabi ko, 'Magpo-promote na ako ng akin. Hindi ko na masyadong ipu-promote yung sa ‘yo.'
"Kasi, maganda rin ang benta nung sa kanya, three nights pa yun!
“Actually, alam mo, kapag Valentine’s day naman talaga, even before, kaya lahat ng OPM artists nagsu-show, kasi walang naluluging Valentine’s concert.
"Kasi, basta mag-show ka, people are going to come.
“Kapag kunwari, meron silang show na ine-aim, kapag wala na dun, doon sila sa kabila, or lipat sila sa kabila.
"At saka, 'di ba, kasi love month, people will really love to go out.
"Some will even make it a big deal na pag-iipunan nila.
“I’m sure yung mga teenager or mga hindi na masyadong... alam niyo yun, yung medyo nakadepende pa sa kanilang parents, iniipon nila ang mga pera nila just to go out on a date with their loved ones.
"Palagi namang big deal ang Valentine’s day dito sa Pilipinas.”
Source! Pep.ph

No comments:

Post a Comment