Tuesday, December 10, 2013

Regine Velasquez on duet with Alicia Keys, Platinum Award, Teleserye and Movie, Holiday Plans, 2014 Projects and More


Watch Alicia and Regine's performance CLICK ME


Pinagpiyestahan sa social media ang video ng duet ni Regine Velasquez kasama ang American singer na si Alicia Keys sa World On Fire Tour concert ng huli sa MOA Arena noong November 25.
Kinanta ng dalawa ang hit song ni Alicia na “If I Ain’t Got You.”
Kahit si Regine mismo ay hindi pinalampas ang pagkakataong ipagmalaki ang duet nila ni Alicia.
In-upload ng Pinay singer sa kanyang Instagram account ang mga larawang kuha nilang dalawa ni Alicia at ang video ng kanilang duet.

Kuwento ni Regine sa kanyang naging karanasan, “It was very exciting, pero parang hiyang-hiya lang ako…
"Oo, nahihiya ako. 
“Feeling ko, ang dapat nilang tinawagan ay si Jaya o si Kyla. 
“Yun ang feeling ko—tama ba ito?
“Kasi hindi ko yun music. Hindi naman ako R&B singer. 
“I’m a balladeer. So, parang hiyang-hiya ako.
“Yun ang naramdaman ko—parang hiyang-hiya ako.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa Sunday All Stars noong Linggo, December 8.


USAPANG NANAY. Ikinuwento rin ni Regine sa PEP ang naging kuwentuhan nila ni Alicia.
“She was very nice. She’s very, very nice. She’s very down to earth. 
“Tapos, kausap siya nang kausap sa akin. She even said na... kung saan ako nakatira.
“Kasi nag-uusap kaming mga nanay. Tinanong ko siya, ‘You have a son?’ ganyan-ganyan.
“Sabi niya, ‘Yeah, he’s three years old.’
“Sabi ko naman, ‘I have a son also and he just turned two.’ Yun, mga ganyan-ganyan. 
“Tapos, usap-usap kami ng mga experiences namin bilang mommy na sobrang…
“Parang feeling namin, nagki-click kami, na parang feeling ko, close na kami!
“Tinanong niya ako, ‘Where do you live?’
“Sabi ko, 'I live in Quezon City. It’s forty-five minutes away from here,' kasi sa MOA yun, e. 
“Sabi niya, ‘That’s not far. Maybe we could schedule a playdate.’
“Parang naano ako, ‘Ano daw?’ Parang… umalis na ako kasi hiyang-hiya ako. 
“She’s really nice. And ang ganda niya.
“Ang ganda-ganda niya... ang ganda-ganda-ganda niya!”

LAST-MINUTE THING. Sinabi rin ni Regine na nalaman niya na maggi-guest siya sa concert ni Alicia isang araw bago ito ganapin.
“Siyempre, it was an honor to be there. 

“But you know, it was a last-minute thing. 
“They called me up, Sunday? The concert was Monday.
“And I was stressing out, kasi yung anak ko [Nate], hindi matae!
“Umiiyak siya, hindi siya matae, kasi constipated siya. 
“Tapos, ayaw niyang kumain, masakit yung tiyan.
“So I was worried, and then I got a phone call. 
“Tapos napa-oo na ako, kasi I just wanted the conversation to be over. 
“Kasi I’m trying to ano [focus on] my son. 
“Tapos, nung Monday na, sabi ko na lang, 'My God, hindi ako prepared. I’m not prepared.'
“So, parang hiyang-hiya ako.
“I’m glad na parang may nagkagusto naman. 
“But you know, guys, she [Alicia] did it. 
“Nag-guest siya ng Pinoy artist… she doesn’t need a guest in her show kasi buo na ang show niya. 
“She did that because she wants to uplift our spirits. 
“So, thank you very much.”
Ayon pa kay Regine, napansin din niya ang pagiging generous ni Alicia bilang isang artist.
“Nagbigay siya talaga. 
“Alam niyo, ni-rehearse pa niya ako, kasi alam niyang hindi ko masyadong…
“Although nakita nila sa YouTube na nakanta ko, e. Kaya I think alam nilang makakanta ko.”
Bumilib din si Regine sa pagbibigay panahon ni Alicia sa mga biktima ng Yolanda nang bisitahin nito ang Villamor Airbase, kung saan inilikas pansamantala ang mga nasalanta ng bagyo.
Sabi ni Regine, “Ang cute niya, kasi she’s such a blessing. So, nakakatuwa.”
TELESERYE AND MOVIE. Tungkol naman sa sinasabing sisimulan niyang teleserye sa Kapuso Network, wala pang maibigay na detalye si Regine tungkol dito.
Aniya, “I was told na I’m supposed to start in March. 
“Pero may mga naka-lineup na mga stories na they want to pitch sa akin at ako rin, nagpi-pitch ng a couple…
“So, pag-uusapan kung ano yung magandang pang-comeback.”
Hindi pa naman daw nakikita ni Regine ang pagbabalik niya sa paggawa ng pelikula sa 2014.
“Wala pa, wala pa. Isa-isa muna. 
“Parang natatakot na nga ako doon sa teleserye. 
“Kasi kumbaga, full-time na yun ulit. 
“Kasi right now, I’m enjoying pa my time, e. I’m not really full-time, e. 
“Meron akong Sarap Diva [cooking-talk show niya sa GMA]. I tape twice a month.
“Then, once a month, I’m here in SAS [Sunday All Stars]. 
“So, I’m just promoting my album.
“So, hindi pa siya talaga full-time. 
“Pag nag-soap ako, medyo mahihirapan ako nang slight.”

HKNL PLATINUM 
Nagpapasalamat si Regine Velasquez sa lahat ng tumangkilik at bumili ng kanyang latest album, ang Hulog Ka Ng Langit, mula sa Universal Records (UR).
Sa loob lamang kasi ng dalawang linggo matapos itong mailabas sa market, humigit-kumulang sa 15,000 copies na ang nabenta, ayon sa UR.
Kaya naman nitong Linggo, December 8, ginawaran na agad ng Platinum Award ang Asia’s Songbird sa Sunday All Stars ng GMA Network.
Hindi pa rin naaalis ang ngiti ni Regine, bilang pagpapakita ng kanyang kasiyahan sa natamong award, nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang TV crew ng GMA.
Saad niya, “I’m very happy kasi parang marami naman ang nag-abang. Kasi, maganda rin dahil parang pang-regalo.
“So, maraming-maraming salamat sa lahat ng sumuporta ng album. 
“It’s not only for mommies like me, I’m putting a lot of love songs, so everyone can enjoy it.”
Tatlong taon na mula nang ginawa ni Regine ang huli niyang album, ang Fantasy, at ngayon lang siya nakabalik sa recording scene.
Paliwanag ng singer-actress, “Kasi nabuntis ako. I rested. 
“And then, I had a hard time going back. 
“I had a hard time doing the album actually, kasi nahirapan akong kumanta uli. 
“Pero it was very personal… yung album sa akin.
“At halos lahat ng mga songs na nandun, dedicated sa aking anak—si Nate.”
Dalawang taon na ngayon ang anak nina Regine at Ogie Alcasid.

SONG FOR YOLANDA VICTIMS. Isa pang bagong kaganapan sa singing career ni Regine ay ang pagre-record niya ng isang kanta, kasama ang singing talents ng GMA, para sa survivors ng super-typhoon Yolanda.

Ang naturang kanta ay ginawa ni Janno Gibbs.
Lahat daw ng mapagbebentahan ng kanta ay mapupunta sa mga biktima ng nagdaang kalamidad.
Maliban dito, nag-participate din si Regine sa isa pang benefit show na inorganisa naman ng ilang mga kasamahan niya sa industriya, na ginanap noong Linggo ng gabi, December 8.
Ibinalita ni Regine sa PEP na magtutuluy-tuloy ang pagsama niya sa benefit shows para makatulong sa mga biktima ng bagyo.
Saad niya, “Kasi matagal ‘yan, e. May rehabilitation pa, may rebuilding. 
“Sa ngayon kasi, puro relief goods ang ibinigay natin. 
“Actually, they need to start their lives already, kasi hindi naman puwede na ganun na lang sila forever. 
“And I’m sure they want already to move on with their lives.
“So, doon natin sila matutulungan—yung rebuilding, yung rehabilitation.”
Tungkol naman sa kanyang isinagawang celebrity auction—kung saan ibinenta niya ang mga personal niyang gamit gaya ng bags, shoes, clothes, and jewelry—ibinalita ni Regine na naumpisahan na nila ang proseso ng pagkukolekta.
Sabi ng Asia’s Songbird, “Right now, nasa collecting na kami, delivering, shifting. Malapit na siyang matapos. 
“As of now, ang nalilipon namin, nasa 900,000 [pesos]. 
“Kasi ang ini-expect ko talaga, I’m hoping for a million sana. At least, ganung amount.
“Thank you, thank you, Lord. Maraming-maraming salamat doon sa nag-participate sa auction. 
“Eto, one hundred percent will go to the Yolanda victims—sa kanila lahat yun.”

MUSIC HEALS. May plano rin ba sila ni Ogie at ibang mga kasamahan sa industriya na pumunta ng Tacloban City para bisitahin at alamin ang kalagayan ng mga taon roon, at upang magkaroon na rin ng free concert?
Sabi ni Regine, “Actually, we do have plans.

“Parang we want to put up a show para lang medyo maaliw sila nang konti. 
“Kasi right now, medyo shocked pa sila, hindi pa normal ang pamumuhay nila. 
“But, we want to… You know, baka isipin ng iba, parang insensitive.
“Pero I think kasi, di ba, music heals?
"So, feeling ko, nangangailangan din sila ng form of entertainment doon.
“Mga next year na ‘yan siguro. We will plan it. 
“For sure, wala pa ring kuryente in some parts. 
“Hindi pa rin natin alam kung saan puwedeng magpa-show. Siyempre, we want them to be safe. 
“And siyempre, everyone else is going to be performing.”


HOLIDAY SEASON. Tatlong linggo na lang at Pasko na, kaya naman naitanong ng PEP kay Regine kung ano ang plano nilang mag-asawa ngayong Holiday season.
Tugon niya, “Well, itong Christmas na ito, kina Cacai kami magki-Christmas. 
“Kasi nandun yung parents ko. Nandun si Papa, si Mama. 
“Sa New Year naman, for the first time, doon kami sa Australia—maiba lang.
“Dati kasi, every Christmas doon kami, then dito kami nagnu-New Year. 
“So, binaliktad lang namin, maiba lang.”

Si Cacai Velasquez-Mitra ang nakababatang kapatid at siya ring tumatayong business manager ni Regine.

Sa Australia naman nakatira ang dalawang anak ni Ogie na sina Leila at Sarah sa una nitong asawang si Michelle Van Eimeren.

MANG GERRY. Nakakangiti naman na ngayon si Regine pagdating sa kanyang amang si Gerry Velasquez.
Masaya nitong ibinalitang bumuti na ang kalagayan ni Mang Gerry.
“He’s doing well, he’s doing good. He’s fine. Magaling na siya.”
Wala na raw ibang Christmas wish si Regine, kundi ang magpasalamat na lang sa Panginoong Diyos.
“Thank you na lang, despite sa lahat ng nangyayari sa atin ngayon, nandito pa rin tayo. We’re still moving on. 
“Siguro ang prayer ko na lang for all of us not to lose hope. 

“Kasi nandiyan lang naman lagi si God watching over all of us,” saad ng Asia's Songbird.

Source! PeP/ photo by adrian bigyes

Blog Widget by LinkWithin Bookmark and Share

1 comment: