Tuesday, July 24, 2012

Regine Velasquez (2nd Half of 2012): Talks About Her New Show, Anniversary Concert, Movie, New Business Etc!

Celebrity couple Regine Velasquez and Ogie Alcasid on Sunday inaugurated their first business together: a restaurant in Quezon City. Ryu Ramen and Curry is a Japanese restaurant located in Quezon City's famed restaurant row along Tomas Morato street. In an interview with ABS-CBN News, Alcasid said he remembers being business-minded since he was young. “Business is something na kinahihiligan ko talaga, hindi puwedeng mawala sa sistema ko 'yun,” he said. “Kasi 'yung nangyayari sa buhay natin, hindi naman tayo ang gumagawa niyan. So whatever comes our way, we just accept it. This is one of them, the business, kasi lahat tayo foodie. Maganda rin 'yung mayroon kang tambayan,” he added. Alcasid said he will be more hands-on in their business since he works near the area. Meanwhile, after giving birth to her first born son, Velasquez shared that she will soon be going back to work. Velasquez is currently doing a movie with actor Aga Muhlach under the direction of Joyce Bernal. “Every other day lang ang shooting ko. Ayaw kong every day kasi hindi ko maaalagaan si Nate. Noong first time ko mag-shooting, umuwi ako nandoon na siya (Alcasid), parang naweirduhan lang ako,” she said. Although she admitted that she will have to adjust when she goes back to work again, Velasquez is certain she won’t have a hard time because she is already at ease working with Muhlach and Bernal. “Sa acting medyo nangapa ako nang konti, kaya lang kasi ang kasama ko si Joyce and si Aga. Hinay-hinay lang, konti-konti,” she said.

  Blog Widget by LinkWithin Unti-unti nang nagbabalik ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa trabaho.
Nauna na rito ang pagbabalik niya sa Sunday musical-variety show na Party Pilipinas.
Nag-resume na rin siya ng shooting ng pelikula nila ni Aga Muhlach sa Viva Films na ilang taon na ring nabinbin.
Bukod dito ay may bagong siyang show na sisimulan sa GMA-7, ang magazine talk show na H.O.T. TV (Hindi Ordinaryong Tsismis). Ito ang papalit sa timeslot ng Showbiz Central simula sa August 5.
Sa pagkakataong ito ay isa namang talk show host si Regine; kasama sina Roderick Paulate, Raymond Gutierrez, at Jennylyn Mercado.
“I’ve hosted show but that’s a variety show and, mainly, I sing there. Once in a while lang ako naghu-host.
“Other shows that I hosted naman were singing contests. It’s somehow connected to what I do.
“This one, it’s connected with my job, with my work, pero hindi naman ako kakanta. Magku-comment ako nang bonggang-bongga!” tawa ni Regine.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Regine sa presscon ng H.O.T. TV kagabi, July 23, sa 17th floor ng GMA Network Center.

TALK SHOW HOST. Wala ba siyang nararamdamang takot sa gagawin niya sa show?
“Natatakot nga ako kaya nga I had to think talaga.
“Tinanong ko yung asawa ko [Ogie Alcasid] if I should accept it and he said, why not, bilang marami naman daw akong sinasabi.
“At saka, bilang tsismosa naman daw ako,” tawa na naman niya.
Dagdag ni Regine, “Kaya nga kami naging close ng asawa ko. Every Sunday, tinatanong ko siya, ‘Anong bagong tsismis?’
“Kahit sila, alam nila yun, ako ang tinatanong. Pag-upo ko, ‘Ano ang bagong tsismis?’”


Posible bang babaklain lang niya ang pagbibigay ng opinyon sa show?
“I’m sure, babaklain ko, di ba? Magtataka ka pa ba do’n? Bilang bakla rin ako!” natatawa pa rin niyang sabi.   
Pero may mga pagkakataon na napapaaway ang mga talk show host dahil sa mga binibitawan nilang komento o opinyon. Ina-anticipate na ba niya ang sitwasyong ganito?
“You know, since I’m also in the same business, I don’t think it would be appropriate for me na magku-comment ako nang alanganin—especially ang liit lang ng showbiz at kilala ko silang lahat.
“At gusto ko ba na may kaaway ako? Siyempre, ayoko.
“Hindi naman sa magpapaka-safe ako palagi, pero siguro, doon lang sa kung ano ang appropriate.
“I will ask questions that are, you know, may question na may relevant naman sa kanila and, also, give them time to clear whatever issues they want to clear,” saad ni Regine.

ISSUES ABOUT HER. Dahil host na siya ng isang talk show, does it follow na magiging bukas na rin siya sa mga isyung kasasangkutan niya?
“Somebody asked me the same question… kung kunwari may isyu about me o sa aming mag-asawa—depende yun, e.
“Depende sa sitwasyon na nakalagay kami.
“Kasi, puwede ko namang sabihin na kung may isyu kami, puwede ko namang sabihin sa staff na kung puwede, huwag pag-usapan, and I’m sure they’ll respect that naman.
“At hindi naman ako masyadong naniniwala na kapag host ako ng talk show, e, kailangan, ibulatlat ko na ang mga baho namin.
“Ang pangit naman, baho talaga!” natawa niyang tugon.
“Pero siyempre, mag-asawa kami. Anumang problema namin bilang mag-asawa, dapat sa amin lang yun. Hindi na kailangang isali ang buong mundo.
“Sabi ko sa kanya, depende kung anong isyu.”

 Si Ogie Alcasid daw talaga ang kumumbinsi sa kanya na tanggapin niya ang H.O.T. TV.
Dagdag ni Regine, “At saka, alam din naman niya kung hanggang saan ang limitation ko. Alam naman niya kung paano ako mag-isip.
“Depende sa isyu. Kung puwede namang pag-usapan, bakit hindi?”

PROUD HUSBAND. Nang malaman noon ni Regine na buntis siya sa panganay nila ni Ogie na si Baby Nate, hanggang sa maipanganak niya ito, nag-lie low talaga siya sa showbiz career niya.
Pero ngayong balik-trabaho na siya, ibig bang sabihin ay kaya na niyang iwan si Nate?
Matagal bago nakasagot si Regine at saka inamin na, “Bale, hindi pa rin. Nahihirapan pa rin ako.
“I have to be used to the idea that I’m a mom and I’m a working mom.
“So, kasi noong time na nanganak ako, hindi kaya ako lumabas.
“At saka, siyempre, medyo nahihiya rin akong lumabas bilang madyobis [mataba] pa akey [ako]!
“A year and a half din kaya, ‘no! Kaya nga inis na inis ako kapag may presscon ang asawa ko at pagkatapos dinadala ko.
“Galit na galit kaya ako!”
Sumasama naman siya kay Ogie?
“E, kasi, ang asawa ko, ang sweet kasi no’n. He’s proud and he also knows na nakakulong lang ako sa bahay and I also need to be out.
“Sina-shopping ako. Kung saan-saan nga ako dinadala.
“Minsan, aayain lang ako tapos presscon pala! Minsan, akala ko kung saan, presscon pala!

Hindi man lang ako nakapag-ayos. Nakapagpakulot man lang sana ako!
“Asawa ko, nakakainis!” tawa nang tawa niyang kuwento.
Sabi naman namin kay Regine, at least, sigurado siya sa mister niya na kahit ano pa ang size niya, mahal pa rin siya nito at ipinagmamalaki.
“Oo naman, ‘no! At saka, palagi pa rin niya akong sinasabihan na, ‘Oh, honey, you’re still the sexiest girl ever!’
“Tapos gumaganito ako, ‘Hmmm talaga? Pero kung makatingin ka sa mga sexy, ha!’”

BABY NATE. Walong buwan na ngayon si Nate. Kung mabibigyan daw sila ng isa pang anak, naniniwala si Regine na blessing talaga yun sa kanila ni Ogie.
Kumusta na ba si Baby Nate ngayon?
“Maingay pero wala pang sinasabing word. Gibberish pa rin.”
Hindi pa naman humahabol sa kanila?
“Kanina humahabol kaya hirap na hirap ako.”
Nagha-hum na rin ba ang anak nila ni Ogie?
“Nagha-hum na,” may pagmamalaking sabi ni Regine.
“At saka, ang hilig niya kapag kinakantahan ko, kahit busy siya sa paglalaro o antok na siya, titingnan niya ako.
“At saka ang mata niya, ang cute… kapag hum lang na alam niyang pinapatulog lang siya. Pero kapag totoong kanta, kapag may lyrics talaga.”
Ano ang mga kinakanta niya kay Nate?
 “Yung favorite niya kapag kinakanta ko, ‘Angel of Mine,’ yung kay Monica. Ang cute-cute niya!"

 Dahil hindi nakapag-celebrate si Regine Velasquez-Alcasid ng kanyang 25th anniversary sa showbiz noong isang taon, dahil sa kanyang pagbubuntis, sa November 2012 na lang niya ito gagawin.
Ito ay sa pamamagitan ng isang malaking concert sa MOA Arena na may titulong Silver.
Biro ni Regine, “November pa naman. Baka by then, mga 100 [pounds] na ako!”
Mula sa 165 pounds, ngayon ay 140 pounds na nga lang si Regine dahil sa ginawa niyang South Beach Diet. Isang buwan at kalahati lang daw niya nawala ang 25 pounds.
“Mabilis lang, e. Medyo now, I’m trying to take it easy kasi bumababa ang immune system mo kapag masyadong matagal,” sabi ng Asia’s Songbird.
"I DON'T CARE." Sa estado niya ngayon sa showbiz industry, nakakaramdam pa rin ba siya ng kaba kapag may nagsusulputang bagong singers o biritera?
“Wala na, hindi na,” nakangiting sagot niya.
“Alam niyo, ayoko mang sabihing I don’t care—parang it sounds ungrateful naman—pero yung totoo., medyo.
“Kasi actually, since nag-asawa ako, parang hindi na talaga ito ang concentration ko.                  
“Talagang dati, ‘Next year, ano ang gagawin ko?’ Pati isusuot ko nakalinya, hairstyle, anong kulay… ganoon! Iniisip ko talaga.
“Pero simula nang mag-asawa ako, magku-concert ka, ‘Talaga? O sige, kayo na ang bahala.’ Yung ganoon.”
Hindi kaya ganito na ang pananaw niya dahil nagawa na niya ang lahat ng gusto niyang mangyari sa career niya?
“Yeah, and siguro, I’ve been doing it almost all my life,” pagsang-ayon ni Regine.

BIRIT QUEEN. Siya nga ang ginagaya ng halos lahat ng biritera ngayon.
“Naku, parang noong nag-Party Pilipinas nga, dinugo ako, umuwi muna ako sa bahay!” natatawang biro niya patungkol sa pagbirit niya sa show.


Base sa performances niya sa Party Pilipinas, kayang-kaya pa rin niya talagang bumirit.
“Hindi ko na nga kaya!” pagkontra ng Asia’s Songbird.
“Sabi ko nga, palitan na nila ang pangalan, bopis espesyal. Parang dugo, puso…
“Pero alam niyo, nakuha nga raw nila sa akin. Bilang sabi ko raw, ganito dapat kumanta.
“Hindi naman dapat ganoon,” tawa na naman niya.
Pero walang pagdududa na siya ang kadalasang peg ng aspiring singers.
Sabi ni Regine tungkol dito, “I’m very flattered. Pero remember, when I started, hindi ako uso. My sound was not uso.
“I was just lucky that Whitney Houston came in, Mariah Carey came in, and I could sing those songs. Nakakanta ko ang kanta nila.
“So, akala nila, ganoon na. Pero hindi ko naman sinasadya na everytime, bibirit ako.”
Pag-amin ni Regine, mas gusto nga niyang gawin ang mga kantang hindi niya kailangang bumirit.
“I love doing those songs. Contrary dun sa mga sumisigaw ako.
“I love singing mga songs na soft because I can actually hear myself.
“Yung birit kasi, hindi ko naririnig ang sarili ko,” paliwanag niya.

MOVIE WITH AGA. Bukod sa dalawang shows niya sa GMA-7—Party Pilipinas at H.O.T. TV—nag-resume na rin ang shooting ng pelikula nila ni Aga Muhlach sa Viva Films.
“Ten years in the making!” natatawang biro ni Regine tungkol sa pelikula nila ni Aga.


Kumusta naman ang shooting nila ngayon, lalo na’t nag-iba na ang kanilang hitsura mula nang simulan nila ang pelikula noong 2010.
Sabi ni Regine, “Actually, yun nga ang ikinakatakot namin.
“Kami pala ni Aga, parehong baby face pala kami kaya hindi masyadong malaki ang difference.
“Nag-bangs lang ako! Naggupit lang ako ng bangs!”
May mga ni-reshoot ba silang mga eksena?
“May ni-reshoot only because yung mga references namin dun, medyo luma na.
“Pero as far as yung hitsura, medyo pretty and plump lang kami pareho!” natatawa niyang hirit.
“Hindi naman hinihingi sa movie na pareho kaming sexy, hindi naman, e. It’s a reality.
“At saka, marami na rin pala kaming na-shoot.
“Noong pinapanood sa akin ni Joyce [Bernal] kasi na-edit na niya, ang konti na lang pala ng kailangang kunan.
“Tapos ang cute!
“E, di ba, kami ni Aga, magtatabi pa lang kami sa screen, may kilig na? Kahit ako, kinikilig.
“Kahit noong mga panahon na gusto ko siyang patayin… patayin talaga?! Kilig na kilig ako!
“Pero ngayon, friends na kami. Super friends.”
Kailan naman ito ipapalabas?


“Siguro mga thirty years from now!” natatawang hirit na naman niya.
“Kung ten years ginawa, mga thirty years bago ipalabas.
“Basta ang goal ngayon, matapos, saka na raw ang playdate.”
Two to three days na lang daw siguro ang natitirang shooting days nila.

NO TELESERYE, PLEASE. Ang I Heart You Pare ang huling teleseryeng ginawa ni Regine, na hindi na nga niya nagawang tapusin dahil sa pagbubuntis. Pinalitan siya ni Iza Calzado na ngayon ay nasa ABS-CBN na.
Posible bang mag-soap opera na rin siyang muli?
“Sana hindi muna,” mabilis niyang sagot.
“Iiyak talaga ako kapag in-offer-an ako ng soap.
“Sabi ko sa management, ‘Puwede po bang huwag niyo muna akong offer-an ng soap? Maka-one year man lang si Baby.’
“Kaya in-offer-an ako ng talk show, nang bonggang-bongga!”
Sunday ang busiest day ni Regine dahil may Party Pilipinas at H.O.T. TV na siya.
“Oo, bale meron akong Party Pilipinas na nine o’clock pa lang, nandoon na ako. H.O.T. TV…

“And then, may labada ako sa gabi. Tapos, meron pa akong tricycle na ipapasada. Bonggang-bongga!” biro ni Regine.


Source!- ABS-CBN News
http://www.abs-cbnnews.com/lifestyle/07/23/12/ogie-regie-open-japanese-restaurant-qc
/ PEP.ph for the Photos and Video/ article by Rose Garcia

  Bookmark and Share

No comments:

Post a Comment