Natanong si Ogie Alcasid sa last shooting day ng Boy Pick-Up: The Movie
tungkol sa pagkakapasok ng Pinay-Mexican na si Jessica Sanchez sa finale
ng American Idol Season 11. Makakalaban sa finale ni Jessica ay si
Phillip Phillips.
Sa huling performance nga ni Jessica ay
inawit niya ang I Don’t Wanna Miss A Thing ng Aerosmith at
kapansin-pansin na pareho ang naging hagod ni Jessica sa rendition ni
Regine Velasquez nang awitin niya ang same song na may ilang taon nang
nakakaraan.
Natuwa si Ogie dahil kung totoong naging
basehan ni Jessica ang style na pag-awit ng kanyang misis, isang
malaking karangalan iyon para sa lahat ng mga OPM singers sa bansa.
“Meron din daw si Jessica na YouTube video na kinakanta niya ‘yung song na Ikaw. Very Regine din daw ang pag-awit niya.
“Kung ang misis ko nga ang nagiging inspiration niya sa kanyang pag-awit ng mga songs na iyon, then we are very proud of that.
“Ilang singers na rin ang nagsasabi na paborito nila si Regine and her
style of singing is something na gusto rin nilang magawa sa mga
performances nila.
“It’s an honor for all OPM singers na isang may dugong Pinoy na ang nakarating sa finale ng American Idol.
“Kahit hindi siya lumaki sa Pilipinas, makikita mo na nasa personality
niya ang pagiging isang Pinoy. Du’n pa lang, pinagmamalaki na natin si
Jessica.
“We wish her luck and if Jessica wins the title of American Idol, isang malaking karangalan ‘yan para sa ating mga Pinoy.
“It only proves na ang talent ng Pinoy ay kakaiba at ang suporta na
binibigay ng kapwa Pinoy natin kahit saang parte sa mundo ay sobrang
lakas.”
No comments:
Post a Comment