Sunday, January 22, 2012
Regine Velasquez and Ogie Alcasid Introduce Son Nathaniel James to the Press, Celebrating his Christening Today!
Welcome to the Christian World Nathaniel James Velasquez Alcasid! Greet Here!
Regine Velasquez on being a mom: "Hindi ko akalaing mababago pala talaga nang bonggang-bongga! Iba na kasi ngayon ang mga priorities ko. Sa baby na lang talaga naka-focus lahat." She wants this total focus to last until Nate is one year old. Gorgy Rula Regine Velasquez and Ogie Alcasid introduce son Nathan to the media; Songbird reveals experiencing post-partum blues Gorgy Rula Thursday, January 19, 2012 06:04 PM Rating Share Sa presscon ng Valentine concert nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez, ang Mr. & Mrs. A, noong Miyerkules, Enero 18, ipinakilala ng mag-asawa sa mga imbitadong movie press ang kanilang anak na si Baby Nate. Isinilang ni Regine si Baby Nate noong November 8, 2011. Halos kay Regine at sa anak nila naka-focus ang usapan dahil ngayon pa lamang humarap uli sa publiko ang Asia's Songbird pagkatapos niyang manganak. Iyon din ang unang pagkakataong nasilayan ng press ang kanilang anak.
LOSING WEIGHT. Ayon kay Ogie, malaki na ang nabawas sa timbang ni Regine. Pero medyo mataba pa rin ang singer-actress, kaya todo pa rin ang exercise nito para mabawasan pa ang timbang niya. Ito ay paghahanda na rin sa concert nila na gaganapin sa Araneta Coliseum sa February 14. Sabi naman ni Regine, hanggang exercise lang daw muna talaga siya, dahil ayaw naman daw niyang mag-diet para pumayat. "Ang galling-galing ko pa naman mag-diet, pero ayoko, kasi nagpapa-breastfeed ako kay Nate. "Si Nate pa rin ang priority ko, kaya okay lang kahit mataba. "Basta ang focus ko, ang pag-aalaga sa baby," pahayag ni Regine.
POST-PARTUM BLUES. Inamin din ng Songbird na nagkaroon siya ng post-partum blues dahil sa hirap niya nung una sa pagpapa-breastfeed sa kanyang anak. Kuwento ni Regine, "Nung una kasi, hindi nagla-latch si Nate. And I have very little milk. "For about three weeks, bumibili ako ng breast milk sa breast-milk bank ba yun? "Merong days na iyak na lang ako nang iyak, kasi hindi ko alam kung papa'no ko pakakainin ang baby, kasi ayokong mag-[milk] formula sana. "Kasi nag-prepare talaga ako ng lahat. Mga things niya, everything, mga gamit. "Nag-prepare ako psychologically, na pati pagpupuyat. "Ang hindi ko na-prepare, ang breastfeeding. "Kasi, ang feeling ko, may breast ka naman, nandiyan lang ang milk. "Akala ko, ganun kadali. "Iyon pala, it's one of the hardest. "Pag premature baby, pag pre-term, hindi agad nagla-latch. "Nakaka-depress na hindi mo mapadedede ang baby, umiiyak na tina-try mo i-feed, umiiyak siya. "You feel inadequate." Patuloy pa niya, "May mga breastfeeding counselor pa ako na nagpunta sa akin. "Sa dami ng mga nakausap ko, 'Ilabas ko kaya ang boobs ko, 'tapos pahanap ko na lang sa kanya?' And he did. "Nahanap naman niya. "A, okay, ready na siya. "Nung time na yun, nakadede na siya, parang nawala na yung baby blues ko. "Yun lang pala yun!" natatawa niyang sabi.
THANKS TO OGIE. Malaki ang pasasalamat ni Regine sa kanyang asawa dahil naintindihan daw nito ang mga pinagdaanan niya. Nandiyan lang daw ito para umalalay. Sabi ni Ogie, "Si Regine naman kasi, if she wants to focus on something, nagagawa naman niya, e. "Yung pag-iiyak niya, hindi naman out of depression yun, e. "Tingin ko, napu-frustrate lang siya. "So, ang role ko dun siyempre, i-encourage siya na 'Kaya mo naman yun, e.'"
BIG CHANGE. Sabi naman ni Regine, inasahan na niya ang malaking pagbabago sa buhay niya sa pagdating ng kanilang Baby Nate. Bulalas nito, "Pero hindi ko akalaing mababago pala talaga nang bonggang-bongga! "Iba na kasi ngayon ang mga priorities ko. "Sa baby na lang talaga naka-focus lahat." Sabi nga ni Ogie, "Ano 'yan talaga, full-time kay Nate. E, ako humahalili lang. "Actually, nagpapasalamat ako sa asawa ko kasi alam niya at naiintindihan niya na medyo marami akong trabaho. "Kumbaga, may career din naman si Regine, pero parang naiintindihan niya na kailangan ko munang gawin ito, at siya na muna ang full time na mag-alaga sa baby namin." Sambit naman ni Regine, "I don't mind. "I love it actually. "And as much as possible talaga, I don't wanna bother him kasi nakikita mo naman pagod, e. "So, parang common sense na lang yun. "And right now naman, my network [GMA-7], our network is very really understanding. "So, hindi pa nila ako ino-offer-an ng kahit ano. "And I'm hoping na hindi na muna, para I can take care of our baby hanggang sana mag-one year old. "But yung ibang job, like hosting job and all that, Party Pilipinas, I can do that."
NATE'S BAPTISM. Sa Linggo (Today), Enero 22, nakatakda ang binyag ni Baby Nate. Siyam na pares na ninong at ninang ang kinuha nina Ogie at Regine. Ilan sa mga ito ay sina Senator Bong Revilla, ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao, Dingdong Dantes, Atty. Jimmy Duavit, Kris Aquino, Judy Ann Santos, Ai-Ai delas Alas, ang mag-asawang Raul at Cacai Mitra, at ang dating asawa ni Ogie na si Michelle Van Eimeren. Sa Catholic church pa lang daw na binyag yun. Meron ding dedication naman sa kanilang Christian church, pero wala pang schedule. Sa Christian dedication naman, sina Gary Valenciano at Piolo Pascual ang ilan sa tatayong ninong.
VALENTINE CONCERT. Excited din ang mag-asawa sa pagkuwento na may special participation ang kanilang anak sa kanilang concert na Mr. & Mrs. A. Ayaw pa nilang i-share kung ano ang gagawin ng kanilang baby, pero maganda raw itong ideya ni Regine.
Source! PEP.com, Gorgy Rula
No comments:
Post a Comment