Sunday, December 11, 2011

Updates on how they'll spend Christmas, Baby Nate's Christening, Regine's comeback etc.

Ogie Alcasid talks about his newborn son, Nathaniel James: "Nag-one month na 'yong baby namin [with Regine Velasquez] nitong December 8. Nakakatawa 'yong iyak niya. Malambing kasi 'yong iyak niya. Hindi 'yong iyak na nakakainis, e." A future singer? "Oo, e. Dahil 'yong dulo mataas, e. Mataas 'yong pitch."


Blog Widget by LinkWithin 
Tungkol sa kapapanganak pa lang na baby nila ni Regine Velasquez ang unang naging paksa ng usapan.

"Gano'n pa rin...puyatan pa rin lagi siyempre," natatawang kuwento ni Ogie.  "Dahil...halos four times gumigising 'yong bata kapag madaling araw.

"E since nagtatrabaho ako, sasabihin ni misis [Regine]...sige matulog ka muna.

"Oo.  Full-time mom si Regine.

"May nurse lang kami ngayon kasi caesarian si Regine, e.  Pero siyempre, habambuhay na naming gagampanan 'yong pagiging hands-on sa bata.

"Nag-one month na 'yong baby namin nitong December 8.  Nakakatawa 'yong iyak niya.

"Malambing kasi 'yong iyak niya.  Hindi 'yong iyak na nakakainis, e."

Iyak din ba ng isang future singer?

"Oo, e.  Dahil 'yong dulo mataas, e.  Mataas 'yong pitch."

Totoo bang pila na ang mga nag-aalok ng possible endorsements para sa baby nila ni Regine?

"E...meron. Pero hindi pa namin kinakausap dahil mas mahalaga munang...siyempre hindi pa nababakunahan nang todo. One month pa lang, e."

Kailan ang binyag?

"A...hindi pa namin alam.  Siguro January o February.

"Mga magiging ninong at ninang?  Wala pa kaming nakakausap, e."

Ano naman 'yong mga nakikita niyang medyo nahihirapan si Regine bilang nanay ng baby nila?

"Uhm...siyempre first time Mom siya 'no?  Hindi naman kami teenagers.  So...medyo may adjustment nang konti.

"Pero siya, full-time siyang mag-breast feed.  So malaking bagay iyon na breast feeding siya all the way.

 "Ang laki na ng ipinayat niya.

"Tapos nagyu-yoga siya ngayon.

"So...medyo hirap din.  Kasi alam mo naman kapag baby pa, iku-consume ka ng baby, 'no?  Kapag nanay ka."

How will they spend Christmas?

"Sa bahay lang kami.

"Although December 22 is our anniversary.  So...dito lang kami sa Batangas for a few days.  Taga-Taal ako."

First time magse-celebrate ng Christmas si Ogie at Regine with their newborn son.  Ano ang mga paghahandang ginagawa nila kaugnay ng palapit na holiday season?

"A...maraming reunion with our relatives.  And 'yong bahay namin siyempre, iba na ang motif.

"Hindi tulad noon na Pasko lang.  Ngayon may Teddy bears.

"Siyempre may baby na, e.  So...you have to cater to...kung ano na ang pamilya mo.

"Ang kulang na lang, e...kailangan naming gawing baby-friendly na 'yong bahay.  Kasi medyo...maraming hagdanan 'yong bahay, e."

Regine's Comeback

Mga ilang buwan pa kaya bago maging active ulit si Regine sa kanyang career?

"Meron kaming concert.  Sa February 14 [next year] sa Araneta Coliseum.  Ang title...Mr. & Mrs. A.  So...abangan ninyo iyon."

Pagkatapos ng concert, ano ang ibang plano ni Regine sa kanyang career?

"Hindi ko alam, e.  Wala pa siyang sinasabi sa akin, e.

"Pero 'yong concert namin ang una niyang gagawin."

Source! PEP.ph




Bookmark and Share

No comments:

Post a Comment