Friday, November 11, 2011

11/11/11 Updates: Regine as a Mother, Baby Nate's Baptism, Songbird's Comeback Concert and More..

Ogie Alcasid captures first few moments of Baby Nathan's birth: "Indescribable yung emotion na yun." 

 


Pinamagatan ito ng award-winning songwriter na "Aking Anak."

Isinulat ni Ogie ang awiting ito nang nagpa-check up sila ng misis niyang si Regine Velasquez, at nakunan ng 4D ultrasound ang sinapupunan ng Asia's Songbird, kung saan nakita ang mukha ng kanilang anak.

Ngayong nandiyan na si Baby Nathan, kailangang matapos na raw ni Ogie ang kantang yun.

Aawitin daw niya ito sa Party Pilipinas sa susunod na Linggo, November 20.

Walang Party Pilipinas sa darating na Linggo, November 13, dahil sa laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez.

Kaya sa susunod na Linggo ay kailangang mabuo na raw niya ang kanta para sa kanyang anak.

Posible ring ipakita na nila ang mga litrato sa naturang musical-variety show ng GMA-7, kung saan isa si Ogie sa host at performer.

INDESCRIBABLE EMOTION. Documented ni Ogie ang lahat na minuto ng panganganak ni Regine—mula nang bago ito inoperahan hanggang sa ilang developments ng kanilang baby.

Ang isa raw sa highlights na nakunan nito sa panganganak ni Regine ay nang lumabas ang baby hanggang sa unang uha nito.

Kuwento ni Ogie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): "Alam mo kasi, yung time na ilalabas ang baby hanggang sa unang pag-iyak ng baby, indescribable yung emotion na yun, kasi hindi mo pa naririnig yung bata.

 "When the baby comes out—caesarean o normal—may moment kasi yung baby parang hindi pa humihinga, tapos iiyak.

"Yung moment na hindi pa umiiyak, kinakabahan ka na nun, e.

"Nung narinig ko na na umiyak, wala na, yung ligaya mo na eto na siya.

"Siyempre susukatan yun, aalisin yung fluid sa body niya, kinukunan ko lahat yun hanggang sa inabot na siya kay Regine.

"Yun yung excited ako, nakuha ko ang expression sa mukha ni Regine—yung nakuha niya si Baby Nate, yun.

"I think she feels in love with the baby, teary-eyed siya, e.

"Sabi niya, nahihiya daw siya umiyak.

"Ang cute, very emotional.

"Naiyak din ako, pero mas nangingibabaw ang saya-saya ko, kasi may baby na kami.

"Nakakatuwa, there's no word to describe."

TEXT TO MICHELLE. Ang sumunod daw na ginawa ni Ogie ay tinext niya si Michelle Van Eimeren at ipinadala ang litrato ng baby nila ni Regine.

Si Michelle ang unang asawa ni Ogie at ina ng dalawa niyang anak na babae na sina Leila at Sarah.

Ayon pa kay Ogie, kaagad na sumagot si Michelle dahil gising na siya nung oras na yun.

Kaya tinawagan niya ang dating asawa sa Australia para i-share ang sobrang tuwang nararamdaman niya nung mga oras na yun.

Kuwento ni Ogie sa PEP: "Sabi niya [Michelle], 'Ang cute-cute naman.'

"Sabi niya, 'Ano ang feeling?'
Sabi ko, 'Ganun pa rin, you know, nung nagka-baby tayo, ganun pa rin. Magkahalong takot, magkahalong tuwa, ganun pa rin.'

"Sabi niya sa akin, 'Alam mo, I'm so happy for you, sa inyong dalawa.'

"Nag-usap sila ni Regine, hindi ko lang alam kung ano ang pinag-usapan nila."

Hindi pa raw nakakausap ni Ogie ang kanyang mga anak sa Australia, pero na-email na raw niya ang pictures ng kanilang baby brother.

Malamang na sa susunod na taon ay magkikita-kita raw sila para maka-bonding ng kanyang mga anak kay Michelle si Baby Nate.

READY TO BECOME A MOTHER. Binanggit din ni Ogie sa PEP na nasa hospital pa si Regine at nagpapagaling pa.

Pero mabilis daw ang paggaling nito.

Ini-enjoy na rin daw ng kanyang asawa ang pagpapa-breastfeed kay Baby Nathan.

Nagulat nga raw si Ogie na talagang nakikita raw niya kay Regine na handang-handa na ito sa pagiging ina habang pinapa-breastfeed ang kanilang baby.

Saad niya, "Ang nakakatuwa sa kanya [Regine], I think sa experience ng ibang moms, parang hindi mo alam kung ano ang gagawin mo, e.

"Pero siya, hindi. Kumbaga, parang napaka-professional.

"Nandiyan siya to comfort pag umiiyak, very mothering.

"Pinapanood ko lang siya, kasi ayoko siyang turuan since I've been a dad.

"I'm just watching her, admiring her na it came very natural, so nakakatuwa."

NATHAN'S BAPTISM. Ayon kay Ogie, hindi pa nila pinag-uusapan kung kailan pabibinyagan si Baby Nathan.

Wala pa rin daw silang napipiling ninong at ninang.

Ang tiyak naman daw na kukunin nilang ninong at ninang ay ang mga malalapit sa kanila at ang mga nagprisinta.
Ani Ogie, "Pero maganda yung maraming ninong at ninang kasi naisip din namin, we're in our 40s, maganda rin yung maraming maglu-look after sa kanya [Baby Nathan]."

Dagdag pa ng singer-comedian, ang tanging hangad lang niya sa kanilang anak ay maging mabuting tao ito.

"Ang sa akin, ang pinakamahalaga talaga... We prayed for this bago isilang si Nate.

"Ang sabi namin sa Panginoon na, 'Turuan namin ang aming anak na pinahiram Mo sa amin, palakihin namin bilang isang mabuting Kristiyano at mabuting tao.'

"More than anything else, I think yun ang dapat na ibigay namin sa aming baby—na bigyan ng tamang foundation, na God-fearing, at yung kumbaga, priority niya yung maging mabuting tao."

REGINE'S COMEBACK

In-announce na rin ni Ogie na ang first appearance ni Regine pagkatapos nitong manganak ay sa kanilang Valentine concert sa February 2012 na gaganapin sa Araneta Coliseum.
Source!: Gorgy Rula | pep.ph
add Nathaniel James on twitter @Bebe_Nathaniel
Songbird Source! is #2 today on TOP BLOGS. Thank you! -adm



Bookmark and Share

No comments:

Post a Comment