Wednesday, November 9, 2011

Ogie Alcasid on his first child with wife Regine Velasquez: "Naku, napakapogi ng bata! Maputi." (PEP Exclusive)



Blog Widget by LinkWithin
Ogie Alcasid on being with Regine Velasquez while she was giving birth: "Of course, nandoon ako when she gave birth. Mabilis lang, 15 minutes lang, nailabas na ang baby. Nandoon ako, nagpi-picture, nagbi-video,"
Kagabi, November 8, bandang 7:47 p.m., ay isinilang na nga ni Regine Velasquez ang kanilang unang anak ng mister niyang si Ogie Alcasid.

Nanganak ang Asia's Songbird via caesarean section sa isang pribadong ospital. (CLICK HERE to read related story.)

Pero bago pa man manganak si Regine ay may nakahanda na silang pangalan para sa kanilang baby boy—Nathaniel James o si Baby Nate.

Kaninang umaga, November 9, ay eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie sa telepono.

Kasalukuyang nagsu-shoot para sa isang commercial ad si Ogie nang makausap namin siya, kahit na nga kapapanganak lang ng kanyang asawa.

Habang kausap namin siya ay hindi maitago ang kasiyahan sa tinig ni Ogie sa bagong blessing na ipinagkaloob sa kanila ni Regine.

Ipinakuwento muna namin kay Ogie kung bakit siya nag-tweet kahapon na "excited na" sila ng kanyang "wifey" na si Regine.

Aniya, "Ganito kasi 'yan, kahapon kasi, nine months na siya.

"Pero hindi pa naman namin ine-expect na lalabas na nga kahapon.

"Nag-tweet lang ako na excited ako, excited na kami.

"Then, yesterday, may taping ako at regular check-up naman ni Regine.

"Hindi ko siya nasamahan sa regular check-up niya.

"Pero nagsabi siya sa akin baka mag-overnight daw siya sa hospital.

"Yung fluid daw kasi niya, bumababa na at yung sugar niya rin, medyo tumataas.

"So, ako naman, alam ko kasi kapag yung fluid bumababa, malapit na yun—manganganak na.

"Then, her OB-Gyne said na i-CS [caesarean section] na para makaiwas na rin for any complications.

"Kaya yung baby, nang lumabas, maliit pa, he's only 4.4 lbs."

Normal na inilalagay muna sa incubator ang sanggol paglabas nito, pero ngayon daw, ayon kay Ogie, ay nakakapag-rooming in na si Baby Nate every two hours.

Nakakapagsimula na rin daw mag-breastfeed si Regine.

Nagpapasalamat din si Ogie sa mga doktor na nag-alaga sa kanyang misis at sa kanilang baby.


Aniya, "Thank you, thank you talaga kay Dra. Lilybeth Genuino, sa OB-Gyne ni Regine, at kay Dra. Martinez, the baby's pedia, dahil ngayon, okay na.

"The baby is very okay now.

"Kagabi, naka-oxygen pa si Baby, pero natanggal na rin."

Kuwento pa ni Ogie, hindi na nag-labor pa si Regine dahil through caesarean section nga siya nanganak.

Sabi rin ng singer-songwriter, kahit may taping siya kahapon, sinigurado naman niya na sa oras ng panganganak ni Regine ay nandoon siya sa tabi nito.

"I was there. Of course, nandoon ako when she gave birth.

"Mabilis lang, 15 minutes lang, nailabas na ang baby.

"Nandoon ako, nagpi-picture, nagbi-video," masayang sabi pa niya.

Sa mga nagtatanong kung sino sa tingin niya ang kamukha ni Baby Nate, very proud si Ogie sa pagsasabing, "Naku, napakapogi ng bata! Maputi.

"Sa tingin ko, ang kamukha, ang mommy, si Regine!"       

Kung larawan ng kasiyahan si Ogie, gayundin din daw si Regine.

Pero ano nga ba ang naging reaction ni Regine nang una niyang masilayan ang kanilang anak?

"Nag-iiyak. Very, very happy," sabi ni Ogie.

Nagpapasalamat naman si Ogie sa lahat ng nagdasal para sa kanyang mag-ina.

Ganun din sa lahat ng pagbati na natatanggap nila kunsaan lahat ay masaya sa pagdating ng bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Ani Ogie, "I feel very blessed.

"Siyempre, maraming salamat, thank you sa lahat.

"Sa lahat ng mga bumabati, sa lahat ng prayers.

"Maraming-marami pong salamat."

Samantala, simula nang lumabas ang balita na isinilang na ni Regine ang kanilang anak ni Ogie ay nagti-trending na sa Twitter at iba pang online sites si Nathaniel James.

Source! - PEP.ph









Bookmark and Share

No comments:

Post a Comment