Naging open din si Ogie Alcasid sa pagsagot sa tanong
kung natural ba ang naging paraan ng pagkaka-conceive sa baby nila ni
Regine.
"It is really a blessing. From day one, ito po ay natural.
Siyempre, marami ang nagsasabi dahil matanda na kami. Yes, we're
kumbaga, noong dumating kami sa puntong yun, we probably tried it, but
it came and God blessed us and God blessed us with a baby boy," he
says.
Ogie Alcasid says he and wife Regine Velasquez are swamped with gifts for the baby: "Ultimo crib, pati stroller, car seat, hindi na kami bumili!"
More photos here! CLICK ME
Nagmistulang concert ang ginanap na launching ng two new scents ng Bench perfume, ang OPM Gold at OPM Platinum ni Ogie Alcasid sa SM MOA activity center yesterday, September 30.
Iba't-ibang OPM songs, mostly Ogie's hits, ang inihandog niya sa mga nanood at sumuporta sa launching ng kanyang sariling line of perfume na maari nang mabili sa mga Bench outlets ngayon.
As we all know, malapit sa puso ni Ogie ang OPM kaya hindi nakakapagtatakang ito ang napiling ipangalan sa perfume niya.
Isa sa mga advocacy ni Ogie ang OPM (Original Pinoy Music) bilang presidente ng organisasyon, kaya naman some of the proceeds of the perfume will go to OPM.
Ayon kay Ogie, OPM also means, "Ogie's Personal Musk" or "Ogie Pogi, Mabango."
Dagdag pa niya na napapanahon na daw ang pag-launch ng OPM perfume.
"Ang OPM Fair is on October 11. So, tamang-tama yung timing kasi, last year pa ito dapat," aniya.
"We started the research [on the perfume] siguro four months ago. Siyempre, amoy-amoy rito, amoy-amoy roon. Yung packaging, gusto ko talaga yung packaging... very attractive. At kapag nakita mo naman yung bottle at saka yung box, very attractive. It's worth it."
Marami rin daw dahilan kung bakit pangalang OPM ang pinili niya instead of his own name na lang.
"Maraming dahilan. Noong una, I wanted something that's close to my heart. Tapos, OPM is the organization that I'm helping and Ogie Pogi Mabango," natatawang biro pa niya.
We told Ogie na may nagpapatanong kung ano raw ba talaga ang plano niya since most of his endeavors now are free. Yung ibang ginagawa niya is purely to help different causes at isa na nga dito ang Organisasyon ng Pilipinong Mang-Aawit (OPM).
"Well, hindi naman free ang pabango, 'no?
Yes, wala akong kikitain, but kailangan kasi ng OPM ng funds. So, this is one of the ways na naisip ko para makatulong, so, maraming salamat sa Bench, 'di ba?
"Actually, right now, siyam yung advocacies naming mag-asawa. OPM is just one of them. Wala eh, nasimulan na naming mag-asawa ang tumulong at masarap naman, e.
"It feels good when you help and at the same time, yung pabango, hindi lang siya basta-basta pabango. Kapag binili mo, nakakatulong ka pa."
Definitely, flattered and happy raw siya maging isa sa mga celebrity endorsers ng Bench. In fact, during his launch, ilang beses din binangit ni Ogie na kahanay lang daw niya as perfume endorsers ay sina Dingdong Dantes, Piolo Pascual, at Richard Gutierrez.
"I'm very honored na sa edad ko, napagbigyan pa ako to be part of a family, a company that believes in excellence and believes in beauty. I'm glad that I'm part of that," aniya.
Biro naman namin kay Ogie bilang Bench endorser, isa na rin ba siya sa rarampa sa underwear show nito every other year sa Araneta Coliseum?
Natatawang sagot naman niya, "Huwag naman. Huwag naman. Hindi ko na keri yun."
REGINE'S APPEARANCE. One of the highlights din ng launching ng perfume ni Ogie last night sa SM MOA ay ang pagdating ng kanyang misis na si Regine Velasquez. Malaki na ang tiyan nito pero buong-buo pa rin ang suporta sa kanya.
Two months na nga lang daw at makikita na nila ang kanilang baby boy na si Nathaniel James.
"Two months na lang at yung two months na yun, talagang... buti nga
ngayon, dumating ang asawa ko at talagang gusto lang niya akong
suportahan. But really, she's just resting lang."
Nagbiro naman si Ogie nang tanungin namin kung kumpleto na ba sila ng gamit for their baby.
"Oo, hanggang college nabili na namin."
Truth is, ang dami raw nagbibigay ng mga gamit ng baby.
"Totoo 'yan. Ultimo crib, pati stroller, car seat, hindi na kami bumili."
BABY WILL SLEEP WITH THEM. What about the nursery room, naka-ready na rin ba?
"Hindi, sa kuwarto naman siya matutulog."
Sa interview naman kay Regine, nagpahayag ito na kung ito ang
masusunod, ayaw raw nitong kumuha ng yaya but instead, siya ang mismong
mag-aalaga sa kanilang anak.
Ayon naman kay Ogie, "Ako, kung ano ang gusto niya. Hindi ko alam
kung hanggang kailan siya magre-rest. Pero ako, kung ano ang gusto niya,
doon ako.
"Although, hindi pa namin napag-uusapan. Hindi pa niya iniisip. Mas iniisip niya yung pagdating ng baby."
May pagbabago ba sa pagsasama nila?
"Siyempre, siyempre. Ako ang nagta-trabaho ngayon. Siyempre, pag-uwi ko, nandiyan na ang baby. Mag-aalaga rin naman ako."
Matagal bago nasundan ang pagiging daddy ni Ogie from his previous
marriage with ex-wife na si Michelle Van Eimeren kunsaan, parehong
malalaki na ang dalawang anak niya.
May feeling of parang, nanganganay ba siyang muli sa baby nila ngayon ni Regine?
Natatawang sabi naman ni Ogie, "Well, siyempre, hindi na ako
bumabata. Hindi na ganoon ang lakas ko. But, I'm very, very excited.
Really, really excited. Alam niyo, kapag nagkakaroon ng baby, alam
naman nating lahat that it's a blessing.
"Kapag nagkakaroon ng baby, masaya, e. Buong pamilya masaya. Mga
lolo, lola, mga kapatid namin masaya, mga pinsan, so, it's gonna be a
great, great Christmas."
May difference ba sa feeling, expecting his third baby?
"Pareho lang siyempre, but ngayon na lalaki, medyo siyempre, nandoon
ako sa, ano ba ang kailangan kong gawin? Iba ang lalaki, 'di ba? Sabi
nila, mas madali raw alagaan ang lalaki. Ang babae, lilinisin mo pang
mabuti. Ang lalaki, kahit marumi, okay lang."
SCIENCE OR NATURE? Naging open din si Ogie sa
pagsagot sa tanong kung natural ba ang naging paraan ng pagkaka-conceive
sa baby nila ni Regine. Hindi maitatanggi na may ilan na nagsasabi or
nag-iisip na through science or medicine kung kaya raw nabuntis ang
asawa.
Pero ayon nga kay Ogie, "No, no, no. It is really a blessing. From
day one, ito po ay natural. Siyempre, marami ang nagsasabi dahil
matanda na kami. Yes, we're kumbaga, noong dumating kami sa puntong
yun, we probably tried it, but it came and God blessed us and God
blessed us with a baby boy."
Plano pa rin ba nilang sundan ang kanilang baby boy?
"Ako, game ako," natatawa niyang sabi. "Pero siyempre, one at a time. Hindi na rin naman kami ganoon kabata, so, one at a time."
Source! Noel Orsal/pep.ph
No comments:
Post a Comment