Monday, June 13, 2011

Regine misses singing (Songbird pregnant at 14 weeks update)

Masayang-masaya si Ogie Alcasid sa kinalabasan ng kauna-unahang singing competition ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM). Ito ay ang "OPM@PAGCOR" na ginanap noong Biyernes, June 10, sa Main Theater ng Casino Filipino sa Airport Road, Parañaque. Punumpuno ang venue sa dami ng tao.Wala ring nagreklamo sa grand winner na si Marie Joyce Tañana na tiga-Angeles City. Second placer na si Charles Kevin Tan at third placer naman si Renz Ruther Robosa."Magagaling din naman yung iba, pero nakakatuwa na you were able to come up with the champion na maipagmamalaki mo talaga," proud na sabi ng singer-composer-TV host-actor sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) after the event."We had very modest dreams. Yung expectation lang namin ay magkaroon ng training yung mga baguhang singers natin.
"Pero umabot sa ganito, and then gano'n ang reaksyon nila, ang saya! "Ang objective din natin ay magkaroon ng trabaho yung mga potential talents natin."Eto na nga, may sigurado na silang trabaho dito sa Pagcor."Gusto talaga ng Pagcor na i-hire ang mga tao na strictly OPM."Ayon pa kay Ogie, siguradong miyembro na ng OPM ang lahat ng grand finalists at winners ng kakatapos na contest.



REGINE AS JUDGE. Isa ang misis ni Ogie na si Regine Velasquez-Alcasid sa nag-judge noong gabing 'yon.Second time na ng Asia's Songbird na lumabas sa isang event mula nang magpahinga siya sa showbiz dahil sa kanyang pagbubuntis. Ang una ay sa silver wedding anniversary nina Sen. Bong at Cong. Lani Mercado-Revilla. (CLICK HERE to read related story.)"I'm so happy she came. I needed her to see this," sambit ni Ogie."Kasi pag ikinukuwento ko lang sa kanya, okey naman, pero iba pa rin yung makikita niya mismo."So, sabi niya, 'Sige, magdya-judge ako.'"Saka iba rin kapag nakikita ng contestant si Regine."Regine came from a singing contest and idol nila si Regine, nakakatuwa rin."Nakaka-inspire din naman sa kanila to see Regine."Natutuwa naman siya, hindi niya akalain na ganito ka-well organized and received yung contest."At yung mga kababayan ng mga finalist, lumipad pa all the way from their cities to come here tonight."I know hindi televised, pero nakakatuwa na rin dahil tinangkilik sila ng mga kasamahan nila at lalo na ng Pagcor."Inamin naman ni Ogie na nami-miss na ng misis niya ang pagiging singer."Ang sinasabi lang niya, nami-miss niya ang pagkanta."Hindi naman puwede dahil alam n'yo na, di ba?"Makakita lang niya yung mga ganito, masaya na siya," sabi ng Party Pilipinas and Bubble Gang mainstay.Kuwento pa ni Ogie, sa bahay na lang nila sila kumakanta ng kanyang asawa para maibsan ang pagnanais nitong kumanta uli."Kanina lang bago kami umalis, nag-play kami ng CD ng Barbra Streisand, sabay kami.

"Sabi niya, 'Bakit memoryado mo ang mga kanta ni Barbra Streisand? Bading ka ba?'



"Sabi ko, 'Medyo!'" masayang salaysay ni Ogie.



REGINE'S PREGNANCY. Ibinalita ni Ogie na hindi na nakaratay sa higaan ang kanyang asawa. Meaning, hindi na maselan ang pagbubuntis ni Regine.

"No more! No more!" bulalas niya.

"Unti-unti bumabalik na sa dating pinagagawa. Nagsu-swimming na kami konti para may konting exercise."Gaya nga ng nasabi ko, meron siyang gestational diabetes."We're really trying to control her taking of carbohydrates. Masunurin naman siya."Pero siyempre, misan sinasabi niya, 'Gusto ko ng ice cream.'"Sabi ko, 'Mataas ang sugar mo.'"Minsan pinagbibigyan ko."Nakakapag-shopping na siya, grocery. Iniikot ko. Kasi nalilibang din siya.



"Yung pagkanta, hindi maiaalis kay Regine gaya ng habang nagluluto, naliligo..."

Limang buwan at kalahati pa ang ipaghihintay nina Ogie at Regine para sa paglabas ng kanilang baby. "We're both very excited," sabi niya."Pero we're taking it one day at a time. Kasi iba-iba yun, e."As each day passes, nilalasap muna namin yung... Every week kasi lumalaki yung baby. Ayaw naman naming madaliin.



"Hindi siya kambal," paglilinaw pa ni Ogie.



"Nagtatanong nga yung mga tao kung kambal."Kasi nga parang laki kaagad no'ng tiyan niya."Baka kasi matangkad yung tatay?" biro niya.



NOT PREGGY BRIDE. Weird para kay Ogie ang lumabas na balitang buntis na si Regine noong ikasal sila last December 22, 2010 at mas maaga raw manganganak ang misis niya.



"O, saan naman nila nakuha yun?" nagtataka niyang sabi.



"Hindi... Ang due date niya talaga is November."Kasi bilangin mo...hindi, e, November talaga siya manganganak."Saka, nakita naman ninyo na ang payat-payat ni Regine noong wedding!"Hindi masasabi ni Ogie na aligaga siya sa pagbabasa ng mga baby books para magkaroon ng kaalaman sa pagbubuntis at sa nalalapit na panganganak ng kanyang asawa.Pero paminsan-minsan ay nagbabasa raw siya ng mga ito."Halos memoryado ko na 'yan dahil may dalawa na akong anak."Pero nagbasa uli ako what to expect when you're expecting, binasa ko uli. Sa Internet.



"Medyo kinukulit-kulit ko si Regine, 'Alam mo ba yung mga terms? Alam mo ba yung ganito, ganyan?'"Bonding na rin namin yun when we read together ng baby books," kuwento niya.Hindi pa raw kina-career ni Ogie at ni Regine ang pagbili ng mga gamit para sa baby nila."Tumitingin pa lang. Pero I'm sure yung mga kapatid niya, bibigyan siya ng baby shower. "Doon pa lang, may makukuha ka nang anik-anik.

Apat na araw palang hindi nagkita ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Galing ang singer/writer sa Singapore para dumalo ang isang Music Fest. Hindi naman naisama ni Ogie si Regine dahil ayaw payagan ng doctor. Para na rin sa safety ng bata sa kanyang tiyan.

Anyway, may kuwentong nakakatawa si Ogie na nangyari sa Singapore. Kinanta niya kasi ang Please Be Careful With My Heart na isinaplaka nina Regine at Jose Mari Chan noon.

Eh, kinanta rin daw ‘yon ni Regine na ka-duet si Jacky Cheung, kaya kilala ng mga Singaporean ang kantang ‘yon at alam nila na kanta ni Regine ‘yon.

Nang sinabi raw ni Ogie na siya ang asawa ni Regine ay ayaw maniwala ng mga taga-Singapore. Idol na idol raw kasi nila si Regine at ayaw nilang paniwalaan na asawa ni Ogie si Regine.

Siyanga pala, hindi pa alam ng mag-asawang Regine at Ogie kung ano ang kasarian ng magiging anak nila. Baka next month pa raw nila alamin ang gender ng magiging baby nila.

Sa ngayon ay binabantayan ni Ogie ang mga kinakain ni Regine, although wala raw itong pinipiling pagkain. Binabantayan nila ang sugar ni Regine dahil may gestational diabetes daw si Regine, na normal naman daw sa mga pregnant women.

Hindi lang daw nila masyadong binibigyan ng carbohydrates si Regine. Kaya pinagsabihan niya si Regine na medyo magtiis for her own good and the baby. Siyanga pala, laging kasama si Ogie kapag bumibisita si Regine sa OB Gyne, para malaman daw niya kung ano ang iniuutos ng doctor. Kaya every time na kumakain si Regine ay tsini-check nila ang sugar nito after two hours.

Sa ngayon, iniisip na ni Ogie ang panganganak ni Regine.

Safe na ang ipinagbubuntis ni Regine Velasquez-Alcasid, ayon mismo sa kanyang nakababatang kapatid at manager na si Cacai Velasquez-Mitra.



Masayang ibinalita ni Cacai na hindi naka-bed rest ang ate niya at malaya na itong nakakapaglakad nang walang inaalalang baka magkaroon siya ng spotting.

Kuwento nga ni Cacai, kung saan-saan na raw nakakarating ang Ate Regine niya gaya ng pago-grocery at pagsa-shopping.

Pumupunta na ito ng mall para bumili ng iba pang maternity dress niya. Wala na raw kasing magkasyang damit sa ate niya.Hindi na raw maselan si Regine sa pagpili ng mga damit basta kasya ito sa kanya.Nakakapagluto na rin daw ito ng pagkain para sa kanyang mister na si Ogie.Ang paglalakad o paggalaw ay nire-require raw ng doctor para maiwasan ang pamamanas ng binti nito.Lumaki raw kasi nang husto si Regine kaya naman kailangan na rin nitong mag-exercise.

Nitong mga nakaraang tatlong buwan ay talagang bed rest lang daw ang ate niya. Kailangan daw siguraduhing kapit na kapit ang bata sa sinapupunan nito. Aminado naman si Cacai na ang edad ng Ate Regine niya ang isang rason kung bakit naging maselan ang tatlong buwan na pagbubuntis nito. Pero, ngayong nasa ika-4 na buwan na raw ay puwede na itong gumalaw at rumampa.Huwag lang daw masobrahan ng pagod at baka malagay sa peligro ang ipinagbubuntis nito.

Anytime ay magpapa-check up na si Regine. Pero pinagi-isapan pa raw nina Regine at Ogie kung gusto na nilang masilip ang gender ng kanilang first baby. Pero gusto raw talaga nina Regine at Ogie na lalake.

Source! PEP/ Ms. Payoyo

Blog Widget by LinkWithinBookmark and Share

1 comment:

  1. Excellent post. I want to thank you for this informative read and I appreciate you sharing. Keep up the good work. For your car servicing Ascot needs, please let me know.

    More power!

    ReplyDelete