Full House Tonight!

Full House Tonight!
Full House Tonight! Saturday Nights after Magpakailanman

Songbird Bulletin!

Songbird Source! on FACEBOOK! Click ME to like!

Saturdays 10:40am after Maynila on GMA7

Full House Tonight
Saturday Nights after Magpakailanman



#R30 #SongbirdTatlongDekada




Custom Search

Tuesday, January 31, 2012

Regine Velasquez Updates (Last Week of January)

Blog Widget by LinkWithin
 Regine Velasquez-Alcasid on her voice after giving birth: "You know, it's a good thing doing yoga before and after giving birth kasi hindi ako nanibago. Kasi ang kanta naman, ang pagkanta, nasa breathing, e. Iyon yung importante. Kasi yung pagbuga mo ng boses, iyon yung importante, e. So, I'm really okay naman. Yung tone ko, medyo parang... hindi ako nahihirapan mag-hit ng high notes."
 Muling humarap sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez kaninang tanghali, January 30.

Ito ay kaugnay ng Valentine concert nila ng asawa niyang si Ogie Alcasid, Mr. & Mrs. A, na gaganapin sa February 14 sa Araneta Coliseum.

Ginanap naman ang solo presccon ni Regine kanina sa El Buono Pizza restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

FIRST CONCERT AS MARRIED COUPLE. Ano ang bagong mapapanood sa Mr. & Mrs. A?

"Wala lang wala namang difference, kantahan din naman yun!" sabay tawa ni Regine.

"Hindi, kasi first of all, we haven't been working in a concert together in a long while, after nag-asawa kami.

"Actually, yung ano namin, yung [last] concert namin, hindi pa kami umaaamin nun, e, di ba? Yung Songbird and the Songwriter [2004].

"Tagal na nun, e!"

Ikinasal sina Regine at Ogie noong December 22, 2010.

Patuloy pa ng Asia's Songbird, "Exciting ngayon, kasi nga, it was my idea to do a concert talaga.

"Yung husband ko, sabi niya, 'Are you sure? Kasi kakapanganak mo pa lang.'

"Sabi ko, 'But I want to talaga kasi I miss it.'

"And that's the whole idea, na after giving birth, 'tapos mag-asawa na kami, we have a child, parang...

"Iyon yung kaibahan, kasi it's exciting and then we're working together.

"Mas personal ngayon, e, unlike before yung concert namin, parang...wala lang.

"Ngayon kasi, it's more personal.

"And I hope that our audience will appreciate it kasi, yun na nga, mas makikita nila yung other side of Ogie and myself."

Less daring na ba siya sa concert na ito? Gaya sa mga gown na isusuot niya na dati ay may plunging neckline o backless?

"Pag pumayat na ako siguro. Pero parang hindi na rin bagay kasi hindi na rin ako ganung kabata, I mean..."

THE VOICE. May napansin ba siyang pagbabago sa boses niya matapos niyang manganak?


"You know, it's a good thing doing yoga before and after giving birth kasi hindi ako nanibago.

"Kasi ang kanta naman, ang pagkanta, nasa breathing, e. Iyon yung importante.

"Kasi yung pagbuga mo ng boses, iyon yung importante, e.

"So, I'm really okay naman.

"Yung tone ko, medyo parang mas manipis than before."

Mas tumaas?

"Hindi ko sure, pero parang hindi ako masyadong nahihirapang mag-hit ng high notes.

"Parang okay siya, kasi nga yung breathing ko normal, e. So, thank God for yoga.

"Hindi naman siguro mas tumaas yung boses ko, pero yung regular pa rin," saad ni Regine.

Napag-usapan din namin ang tungkol sa sakit ni Regine noon pa na migraine.

Hindi ba ito nawala noong nanganak na siya kay Nathaniel James or Baby Nate?

"Hindi, hindi nawala, kaya sa umaga I really try to sleep," sabi niya.


MEETING DAVID ARCHULETA. Ikinuwento rin ni Regine ang pagkikita nila kagabi, January 29, ng American Idol Season 7 runner-up na si David Archuleta.

Nasa Pilipinas ngayon si David para sa mini-serye ng TV5 na Nandito Ako.

Ayon kay Regine, "Yeah, we went...pumunta kami sa recording niya. He has such a nice voice!"

Bakit sila pumunta ni Ogie sa recording ni David?

"E, kasi gusto niya daw kami ma-meet. Parang ganun.

"'Tapos, 'kinukuwento niya sa akin, when he was 16 daw, first time niyang nakita sa Internet, sa YouTube...

"Kasi, parang isa ako sa parang nasa unahang ano, so klinik niya ako and I was singing 'Butterfly.'


"'Tapos, ever since daw, he kept on...paulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit daw niyang pinapakinggan yung version ko.

"'Tapos nag-research na siya, na kay Mariah Carey nga yun, 'tapos paulit-ulit-ulit-ulit-ulit din niyang pinakinggan yung kay Mariah.

"Hanggang sa naging favorite daw niya yung 'Butterfly.'

"'Tapos, he kept watching daw other videos of mine.

"So, even before Idol, natutuwa na daw siya sa akin.

"Actually, nung nakita namin siya, sobra siyang excited, nakaganun lang siya, parang na-shock siya!

"Oo, tawang-tawang kami!" natatawa ring kuwento ng Asia's Songbird.

Alam daw ni David na mag-asawa sina Regine at Ogie, at kakapanganak lang ni Regine.

"Sabi niya, 'Yeah I know, where's the baby?' 'Tapos ipinakita ko yung pictures [ni Baby Nate].

"'Tapos, parang mahiyain siya, ang cute-cute niya!

"Mahiyain siya, 'tapos para siyang stunned, nakaganun lang siya.

"Ikinukuwento niya kung paano niya ako na-discover, kasi nagtataka ako, 'How come you know me?' 'Tapos pati si Ogie."

Nag-jamming pa nga raw silang tatlo ng kanta kagabi.

"Oo, tuwang-tuwa siya."

"Wherever You Are" daw ang kinanta nina Regine at David.

"Nandito Ako" naman ang kinanta nina Ogie at David.

"Ang cute ng kanta nila! Ang ganda, nakakatuwa, nakakatuwa, nakakakilabot!

"'Tapos yung asawa ko, proud na proud.

"Si David, hiyang-hiya siya kasi, siyempre, original si Ogie [na kumanta ng 'Nandito Ako'].

"Tuwang-tuwa siya."


Ayon kay Regine, maganda raw ang version ni David ng "Nandito Ako."

"Ang ganda! 'Tapos parang Pinoy.

"'Tapos, sabi ko sa kanya, 'Who taught you how to ano...' Kasi ang ganda ng pronunciation niya ng Tagalog.

"Sabi nung RM [road manager] niya, 'No one, no one taught him.'

"Meron daw siyang coach when he was going to record it, pero konting-konti lang yung kinorek.

"Pinakinggan lang daw niya nang pinakinggan, ano lang, by ear lang.

"Ang galing!"

Humingi pa raw ng tips sa acting si David.

"Nakakatuwa nga, e, kasi he also knows na Ogie and I are actors here.

"So, nanghihingi siya ng advise kung paano bang maging ano. Kasi sabi niya, parang siya daw, self-conscious siya, parang hindi niya iisipin na umarte.

"Pero ngayon daw, nae-enjoy na niya. Sobra na niyang na-enjoy."

Mga isa't kalahating oras daw tumagal ang pagbisita nilang mag-asawa kay David.

Pero malamang ay wala na si David dito sa bansa pagdaos ng concert nina Regine at Ogie sa February 14.

"Sabi nga namin, sayang hindi siya makakanood.

"Sabi niya, 'Really, you have a concert? It would have been nice to watch!'

IZA'S TRANSFER. Naitanong din ng PEP kay Regine ang tungkol sa paglipat ni Iza Calzado sa ABS-CBN.

Matatandaang si Iza ang pumalit kay Regine sa primetime show ng GMA-7 na I ♥ You Pare nang mabuntis ang Asia's Songbird.

Bilang siya ang itinuturing na reyna ng GMA-7, ano ang masasabi ni Regine na may Kapusong lumipat sa Kapamilya network?

"Hindi ako reyna ng GMA, di ba, si Marian [Rivera]," unang reaksiyon muna ni Regine.

Pero aniya, "Actually, alam mo, nagulat ako, hindi ko alam, nagulat ako!


"Sabi ko, 'Ha?! Umalis si Iza?'

"Somebody told me na lumipat na si Iza, pero akala ko, 'Hmmm, tsismis lang 'yan.'

"And then, nakita ko sa ASAP na nga, 'Ay!' Parang iyon na nga yung patotohanan.

"I've been asking my husband, sabi ko 'Hon...' I mean, I'm not asking, but I kept telling him na 'Lumipat daw si Iza sa Channel 2.'

"Sabi niya, 'Ay naku, matagal na 'yan.'

"'They kept saying that,' sabi ko.

"But in my head, hindi ko pinaniwalaan, hindi ko tinatanggap.

"Alam mo yung baka naman hindi, parang baka tsismis lang.

"So, nung nakita ko sa ASAP, parang 'Aba! Oh, my God! Lumipat nga siya!'

"Nalungkot ako."

Matatandaan na si Regine ay muntik na ring lumipat sa ABS-CBN noong 2008. Pero sa huli ay nagdesisyon siyang manatili sa GMA-7.

Source! -PEP.Ph




Bookmark and Share

Monday, January 30, 2012

Mr. & Mrs. A Meet David Archuleta 012912

for more photos CLICK ME
photos by Ogie & Regine


Sneak peek of his recording...

Went to see david he was recording nandito ako wow what a beautiful voice and a wonderful guy. -@reginevalcasid


We just met a really talented and humble guy. His name is david archuleta! What an honor!
Wifey and david jammed wherever you are and david and I just jammed nandito ako. What a blessing! -@ogiealcasid



Blog Widget by LinkWithin Bookmark and Share

Thursday, January 26, 2012

Regine Velasquez welcomes motherhood with open arms!



Two months after she gave birth, Regine Velasquez is up and about. She will be performing in a Valentine concert with husband Ogie Alcasid. She made her first public appearance in a press conference where she shared her joy of being a first-time mom.

 Regine enthused, “I was scheduled to have a check-up. But the doctor told me, kailangan ng ilabas ang baby. I called Ogie at natawa pa nga kami kasi kinabahan siya because he was not with me and he was taping but nevertheless, he came over.” Nervous, Regine tried to be calm. “Ogie was trying to distract me. He was trying to be funny the whole time because he knew I was nervous.” When Baby Nate came out, Regine waited for her baby to cry. “Noong nadinig ko yong iyak niya, umiyak na rin ako.”

 Baby Nate is now Regine’s top most priority. “When I was pregnant people would always tell me that having a baby would change my life. I had no idea. Parang mas sobra pa doon sa expectations ko. It is wonderful.” Regine said that all she can think of now is her baby. “You just can’t leave. Ano ang kakainin ni baby. Nakakatuwa. We are both blessed kasi mabait yong baby. He is a good boy.”

 She is hands on when it comes to her son. “Bago pa siya umiyak, inuunahan ko ng gising. Padededehin ko na.” Nathaniel James was baptized in St. John Bosco Parish Church in Makati City with 10 sets of godparents including Sen. Bong Revilla Jr., Rep. Manny Pacquiao, GMA president and CEO Jimmy Duavit, Dingdong Dantes, Raul Mitra, Ben Chan, Kris Aquino, Judy Ann Santos, Cacai Velasquez, Ai-Ai delas Alas and Michelle van Eimeren Murrow. He will be baptized again in a Christian ceremony.

 Source! The Philippine Star/ Boy Abunda

Monday, January 23, 2012

Baby Nate's Baptism Reception 012212

Blog Widget by LinkWithin Baby Nate's Christening CLICK ME

More Photos from the Reception CLICK ME

photos by Gr Rodis
Celebrity couple Regine Velasquez and Ogie Alcasid are a picture of proud parents as their first born son got baptised on Sunday.

In an interview with “The Buzz,” Alcasid revealed that it was their decision to have baby Nate christened in a Catholic and a Christian church.

Alcasid said baby Nate has 10 sets of god parents in his Catholic baptism while he has three sets of god parents in the Christian offering.

According to Velasquez, they chose their closest friends from show business including actor Dingdong Dantes and actress Kris Aquino to be baby Nate’s second parents.

Meanwhile, the couple also answered questions whether they will allow their son to have commercials.

“We’re still deciding kung gusto naming tanggapin kasi ang liit pa niya eh. Hindi pa kami nagde-decide. Napag-usapan na namin pero hindi pa kami nagde-decide,” the Asia’s Songbird said.

Velasquez gave birth to baby Nate last November 8. -ABS- CBN News
 

Bookmark and Share

Sunday, January 22, 2012

Baby Nate's Christening 012212

Blog Widget by LinkWithin Welcome to the Christian World Nathaniel James Velasquez Alcasid! Greet Here!

 For more photos CLICK ME




Photos by Showbiz Jeff, Hazel Naval of Nice Print, Badang Rueda & Gemmabelle of Reginatics. Thanks!






Bookmark and Share

Regine Velasquez and Ogie Alcasid Introduce Son Nathaniel James to the Press, Celebrating his Christening Today!


 Welcome to the Christian World Nathaniel James Velasquez Alcasid! Greet Here!

Regine Velasquez on being a mom: "Hindi ko akalaing mababago pala talaga nang bonggang-bongga! Iba na kasi ngayon ang mga priorities ko. Sa baby na lang talaga naka-focus lahat." She wants this total focus to last until Nate is one year old. Gorgy Rula Regine Velasquez and Ogie Alcasid introduce son Nathan to the media; Songbird reveals experiencing post-partum blues Gorgy Rula Thursday, January 19, 2012 06:04 PM Rating Share Sa presscon ng Valentine concert nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez, ang Mr. & Mrs. A, noong Miyerkules, Enero 18, ipinakilala ng mag-asawa sa mga imbitadong movie press ang kanilang anak na si Baby Nate.   Isinilang ni Regine si Baby Nate noong November 8, 2011.   Halos kay Regine at sa anak nila naka-focus ang usapan dahil ngayon pa lamang humarap uli sa publiko ang Asia's Songbird pagkatapos niyang manganak.   Iyon din ang unang pagkakataong nasilayan ng press ang kanilang anak.

LOSING WEIGHT. Ayon kay Ogie, malaki na ang nabawas sa timbang ni Regine.   Pero medyo mataba pa rin ang singer-actress, kaya todo pa rin ang exercise nito para mabawasan pa ang timbang niya.   Ito ay paghahanda na rin sa concert nila na gaganapin sa Araneta Coliseum sa February 14.   Sabi naman ni Regine, hanggang exercise lang daw muna talaga siya, dahil ayaw naman daw niyang mag-diet para pumayat.   "Ang galling-galing ko pa naman mag-diet, pero ayoko, kasi nagpapa-breastfeed ako kay Nate.    "Si Nate pa rin ang priority ko, kaya okay lang kahit mataba.   "Basta ang focus ko, ang pag-aalaga sa baby," pahayag ni Regine.

POST-PARTUM BLUES. Inamin din ng Songbird na nagkaroon siya ng post-partum blues dahil sa hirap niya nung una sa pagpapa-breastfeed sa kanyang anak.   Kuwento ni Regine, "Nung una kasi, hindi nagla-latch si Nate. And I have very little milk.   "For about three weeks, bumibili ako ng breast milk sa breast-milk bank ba yun?   "Merong days na iyak na lang ako nang iyak, kasi hindi ko alam kung papa'no ko pakakainin ang baby, kasi ayokong mag-[milk] formula sana.   "Kasi nag-prepare talaga ako ng lahat. Mga things niya, everything, mga gamit.    "Nag-prepare ako psychologically, na pati pagpupuyat.   "Ang hindi ko na-prepare, ang breastfeeding.   "Kasi, ang feeling ko, may breast ka naman, nandiyan lang ang milk.   "Akala ko, ganun kadali.   "Iyon pala, it's one of the hardest.   "Pag premature baby, pag pre-term, hindi agad nagla-latch.   "Nakaka-depress na hindi mo mapadedede ang baby, umiiyak na tina-try mo i-feed, umiiyak siya.   "You feel inadequate."   Patuloy pa niya, "May mga breastfeeding counselor pa ako na nagpunta sa akin.             "Sa dami ng mga nakausap ko, 'Ilabas ko kaya ang boobs ko, 'tapos pahanap ko na lang sa kanya?' And he did.   "Nahanap naman niya.   "A, okay, ready na siya.   "Nung time na yun, nakadede na siya, parang nawala na yung baby blues ko.   "Yun lang pala yun!" natatawa niyang sabi.

THANKS TO OGIE. Malaki ang pasasalamat ni Regine sa kanyang asawa dahil naintindihan daw nito ang mga pinagdaanan niya.   Nandiyan lang daw ito para umalalay.   Sabi ni Ogie, "Si Regine naman kasi, if she wants to focus on something, nagagawa naman niya, e.   "Yung pag-iiyak niya, hindi naman out of depression yun, e.   "Tingin ko, napu-frustrate lang siya.   "So, ang role ko dun siyempre, i-encourage siya na 'Kaya mo naman yun, e.'"

BIG CHANGE. Sabi naman ni Regine, inasahan na niya ang malaking pagbabago sa buhay niya sa pagdating ng kanilang Baby Nate.   Bulalas nito, "Pero hindi ko akalaing mababago pala talaga nang bonggang-bongga!   "Iba na kasi ngayon ang mga priorities ko.   "Sa baby na lang talaga naka-focus lahat." Sabi nga ni Ogie, "Ano 'yan talaga, full-time kay Nate. E, ako humahalili lang.   "Actually, nagpapasalamat ako sa asawa ko kasi alam niya at naiintindihan niya na medyo marami akong trabaho.   "Kumbaga, may career din naman si Regine, pero parang naiintindihan niya na kailangan ko munang gawin ito, at siya na muna ang full time na mag-alaga sa baby namin."   Sambit naman ni Regine, "I don't mind.   "I love it actually.   "And as much as possible talaga, I don't wanna bother him kasi nakikita mo naman pagod, e.   "So, parang common sense na lang yun.   "And right now naman, my network [GMA-7], our network is very really understanding.   "So, hindi pa nila ako ino-offer-an ng kahit ano.   "And I'm hoping na hindi na muna, para I can take care of our baby hanggang sana mag-one year old.   "But yung ibang job, like hosting job and all that, Party Pilipinas, I can do that."

NATE'S BAPTISM. Sa Linggo (Today), Enero 22, nakatakda ang binyag ni Baby Nate.   Siyam na pares na ninong at ninang ang kinuha nina Ogie at Regine.   Ilan sa mga ito ay sina Senator Bong Revilla, ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao, Dingdong Dantes, Atty. Jimmy Duavit, Kris Aquino, Judy Ann Santos, Ai-Ai delas Alas, ang mag-asawang Raul at Cacai Mitra, at ang dating asawa ni Ogie na si Michelle Van Eimeren.   Sa Catholic church pa lang daw na binyag yun.   Meron ding dedication naman sa kanilang Christian church, pero wala pang schedule.   Sa Christian dedication naman, sina Gary Valenciano at Piolo Pascual ang ilan sa tatayong ninong.

VALENTINE CONCERT. Excited din ang mag-asawa sa pagkuwento na may special participation ang kanilang anak sa kanilang concert na Mr. & Mrs. A.   Ayaw pa nilang i-share kung ano ang gagawin ng kanilang baby, pero maganda raw itong ideya ni Regine.  

Source! PEP.com, Gorgy Rula

Thursday, January 19, 2012

Mr. & Mrs A Press Conference & Baby Nate's Baptism Updates



CLICK ME for more photos...
After fielding questions during the print-media portion of her first post-natal presscon with husband Ogie Alcasid yesterday at Cravings (Roces Ave. off Tomas Morato Ave., Quezon City) and before the round of TV interviews, Regine Velasquez excused herself to breastfeed their two-month-old son Nathaniel (nicknamed Nate like the son of Krista Ranillo and NiƱo Jefferson Lim).
“I’ve been breastfeeding Nate since his birth,” volunteered Regine. Nate weighed a little more than four pounds at birth and now weighs twice as heavy.
“Thanks to Regine’s milk,” said Ogie who, since he has two daughters with ex-wife Michelle van Eimeren (who is based in Australia with her new husband, fellow Aussie Mark Burrow, and daughters Leila and Sarah), is more experienced than Regine in caring for a baby. “When I change Nate’s diapers,sandali lang. Si Regine, marami pang seremonya…nag-iinit muna ng tubig, nag-a-apply ng lotion at kung anu-ano pa.”

The presscon for the couple’s Valentine concert Mr. & Mrs. A. on Feb. 14 at the Smart Araneta Coliseum (produced by Star-Media, with Dingdong Dantes, Vice Ganda, Angeline Quinto and Kyla as guest performers, directed by Randy Santiago) was light and breezy, altogether free-wheeling, when the topic veered towards the couple’s parenting style.
Now, did you know that Regine has named her breasts “Susan” and “Amalia” (without saying who’s left and who’s right)?
Asked “who” is Nate’s favorite to suck on, Regine said still in jest, “Kay Susan,” generating laughter from the crowd.
“I want to breastfeed Nate for as long as I can; ayokong mag-shift to formula kaagad.”

There’s a Filipino kaugalian (custom) that before the baby, it should be the husband who should first suck its mom’s breast.
“I forgot to do that,” admitted Ogie.
“I think that is so that the mother’s milk will flow freely kasi mas malakas dumede ang father,” explained Regine. “With Nate, hindi na kinailangan kasi ang lakas-lakas niya dumede. Ang takaw-takaw niya!”
During her pregnancy, Regine weighed more than 190 lbs., and thanks to Yoga she has so far shed 30 lbs. but has to get rid of more than 30 lbs. more to get back to her ideal weight.
“I can do rigorous workout,” said Regine who underwent Caesarian section. “My doctor advised me not to. Instead, one week after giving birth, I decided to take Yoga.”
Thankfully, her current weight doesn’t affect her singing.
“My doctor assured me that after six weeks, my surgical wound would start to heal,” added Regine, not even if she resorts to her birit style.

It’s also her avoirdupois that’s preventing her from making a comeback, although she will appear only as “guest” (and as co-host of Ogie, et al) on the GMA show Party Pilipinas one of these Sundays to promote their Valentine show.
“Mabuti na lang my bosses are not pressuring me to go back,” said Regine. “Sana hindi muna ako bigyan ng offer at least for a year because I want to concentrate on raising Nate.”

Among her projects on hold is her movie with Aga Muhlach (who himself has shed considerable poundage), which has shot for several days but is in danger of being totally revised because, as Regine simply put it, “we look differently now from how we did at that time.” The shoot has been postponed several times because Regine and Aga’s schedule just wouldn’t jibe, both of them being then busy with other projects.

Meanwhile, Regine contents herself with by being mother to Nate and wife to Ogie who doesn’t mind working, as usual, oftentimes until the wee hours when he comes home tired.

“Sometimes,” related Regine, “Nate sleeps with us. Kabisado ko na ang feeding time niya. Si Ogie, no matter how busy or how tired he is, nakukuha pa niyang maging hands-on father. Kapag basa si Nate, I would wake him (Ogie) up at siya ang nagpapalit ng lampin.”

Nate will have a “special participation” in his parents’ concert but Regine was mum on what it will be. The guess is that Ogie will dedicate a song to Nate while film photos of different stages of the boy’s growth are flashed on the monitor onstage.

On Sunday, Nate will be baptized in Catholic rites, to be followed later on by his dedication in Christian rites.
Asked how he preferred to be called, Ogie said, “I want Nate to call me Tatay. Ang sarap pakinggan ngword na Tatay.” On his GMA show Daldalita, Ogie is called Tatay by his kiddie co-star Jillian Ward.“Tumatalon ang puso ko everytime Jillian calls me Tatay.”
What about Regine?
“I don’t know about her,” said Ogie. “It’s up to her.”
And how soon will they, or can they, start working on their second baby?
“Bawal muna,” laughed Ogie. “Maybe after one year.”
Said Regine, “It’s up to Him,” looking upward, “kung ilan ang ibigay Niya sa amin.”

Source! Philstar.com / Ricky Lo


Blog Widget by LinkWithin Bookmark and Share

Friday, January 13, 2012

Mr. & Mrs. A Ogie and Regine, Talk about their Valentine's

Blog Widget by LinkWithin

Every year, Inquirer Entertainment helps readers pick a show for that special day, by asking the concert artists to talk about their gigs… and romance.



‘Mr. & Mrs. A’
 Ogie Alcasid and Regine Velasquez, February 14, 8 p.m. Smart Araneta Coliseum; with guests Erik Santos, Vice Ganda and Angeline
Quinto; call 911-5555 or 854-3300.
How did you spend your very first Valentine date, who actually was your date, and what was memorable about it?
Ogie Alcasid (O): Oh my! I was 15… I visited my girlfriend in St. Scholastica and gave her roses. It was memorable because it was my first time to do that.
Regine Velasquez (R): My first real date on a Valentine’s Day was with Ogie when we watched the Peter Cetera concert at the Big Dome in 2009. It was memorable because he sang our favorite songs.

(More Concert Info: CLICK ME)

Tell us about your most unique Valentine’s Day.
O: Last year was quite unique. Regine and I spent it at home. I hired a private chef and my favorite jazz trio to play for us. Had two other couples over. It was fun and romantic.

Is Valentine’s Day overrated or does it deserve its special observance? Why?
O: I don’t think it is overrated. It’s a great day to celebrate romance with your partner.
R: I love Valentine’s Day. It’s our day!

What, in your opinion, is the most uniquely written love song and why?
O: I really like “For the First Time” by Kenny Loggins because of its lyrics: “For the first time/I am looking in your eyes/ For the first time/I am seeing who you are/Can’t believe how much I see/When you’re looking back at me/Now I understand what love is/For the first time… ”
R: Michael V’s song “Sinaksak Mo Ang Puso Ko.” It’s funny and tragic!

Why should we watch your concert?
O: It is the first time that we are doing a concert together after we got married and had a baby. It’s also Regine’s comeback show after giving birth. It celebrates romantic love, love for the family and love for your fellowmen because we are helping the Children’s Cancer Society.
R: I have been sidelined for a year to attend to something most precious to me –being a mother. This concert is our thanksgiving for that wonderful gift.


Source!  Inquirer.net

Bookmark and Share

Thursday, January 12, 2012

Updated Mr. & Mrs. A Poster

Blog Widget by LinkWithin 
Click to enlarge. See you there! 
Concert Info: CLICK ME
Blog Widget by LinkWithin Bookmark and Share

Monday, January 9, 2012

Pista Ng Poong Nazareno

Blog Widget by LinkWithinMonday, January 9, 2012
Feast of the Black Nazarene


January 9 is the Feast of Our Lord's Baptism in the Roman Catholic liturgy and of Our Lord with the title of "Nuestro Padre Jesus Nazareno" (Our Father, Jesus of Nazareth; in short, the Black Nazarene) in the Philippines.


Please also include our Songbird, friends and families, and fellow fans in your prayers and petitions.





vid by divadomination